Kabanata 1 : Shells

16 2 0
                                    

"Hoy! Laura..." Tawag ni Lea sa akin.

Hinilot ko muna ang sentido ko bago bumaling sa kanya. Ang sakit ng ulo ko halos mabiyak na dahil sa hindi ko maintindihan ang lesson kanina sa aming major. 1st Year college na kami ni Lea, Business Administration ang kinuha ko, samantalang Accountancy naman sa kanya.

"Ayos ka lang?... Grabe ang hirap ng test kanina" sabi niya habang prenteng naka-upo sa tabi ko.

"Mahirap nga..." Sambit ko at iniligpit na ang mga gamit ko sa desk.

"Sana hindi na lang ako nag accountancy... Ang hirap pala! buti na lang talaga at klaklase kita sa subject nato" natatawang sabi ni Lea at kinuha na rin ang mga gamit niya.

Napagpasyahan namin na pumunta muna sa cafeteria para makakain, total break na naman. May klase pa ako mamaya tapos siya naman ay wala na, kaya mauuna na siguro siya mamaya sa
Mansion dahil sa bilin ni Madam Isa kahapon.

Kumuha lang ako ng isang Sandwich at isang can ng orange juice sa counter, ibibigay ko na sana ang bayad ko sa tindera ng biglang may umagaw ng kamay ko sa ere.

"Ako na..."

Nagulat ako ng biglang makita si Lukas na nakasuot ng Jersey at pawisang T-shirt. Hinihingal pa siya habang kumukuha ng Pera sa wallet niya tsaka binigay sa tindera.

"Thanks Lukas... kaso may pangbayad naman ako" Sabi ko at kinuha na ang binili ko.
"Sorry... G-gusto lang kitang librehin"
Nahihiyang sabi niya, hindi ko na sana siya papansinin kaso sumunod agad siya sa akin.

"A-anong oras ka pala pupunta mamaya?" Tanong niya, binalingan ko siya saglit habang kinakain ang sandwich ko.

"Ah... Mamaya pagkatapos ng last subject ko."

Tumango naman siya at may sasabihin pa sana kaso biglang may umakbay sa kanya kaya hindi niya na niya pinagpatuloy.
"Oy bro... Dumidiskarte kana pala ah... wag mo naman akong unahan kay Laura..."

Isang pabirong suntok sa tyan ang binigay ni Lukas sa kanya sabay nahihiyang tumawa at bumaling sa akin.
Lukas has a set of brown eyes, medyo may pagka-chinito siya, matangos rin ang ilong at manipis ang labi. He also has a tan complexion which make his facial features more define. Maraming humahanga sa kanya hindi lang dahil sa angking kagwapuhan niya but because he excel in sports, academics and maybe everything.

Nabigla ako ng inangkla ni Lea ang kamay niya sa braso ko habang yakap-yakap ang snacks niya at medyo hinila niya ako palayo kay Lukas at sa nagbibirong Darren Sarmento na kaibigan niya.

"H-hoy! Teka, ang KJ mo naman Lea, hindi pa nga ako nakaporma kay Laura..." Napalakas ang boses ni Darren kaya halos makuha niya ang atensyon ng mga kumain sa cafeteria. Napansin ko agad na nagbulong-bulongan na ang ibang mga babae dahil sa ginawa niya.

"Stop it Darren, you're making it worst tsk! Hali ka nga Laura, don't go near that ugly jerk" naiirita niyang sabi at bumaling kay Lukas. "Mauna na kami Lukas, kita na lang tayo mamaya..."
Tumango naman si Lukas habang nakatingin sa akin. Si Darren naman ay nag-igting ang pangang tumingin kay Lea at tumalikod na papuntang counter.

"I really hate that Darren Sarmento, do you see... halos nagbubulungan na ang iba sa canteen na kesyo playing hard to get ka raw at nage-enjoy na pag-agawan ng mga varsity at ibang lalaki sa campus and that's really annoying..."

Sunod-sunod na bulalas ni Lea habang nakatayo at pabalik balik ang lakad. Nandito kami sa mini garden ng school medyo walang mga tao dito dahil ang iba ay may klase pa o di kaya kumakain sa cafeteria. Mahangin dito at maaliwalas kaya gusto ko ring mag-aksaya ng oras dito kapag break time ko.

"Hayaan mo na... Hindi ko naman pinapansin"

Nagdugtong ang kilay ni Lea habang nakatingin sa akin. Pero kalaunan nagbuntong hininga na lang siya at umupo na sa tabi ko at tsaka pinagcross ang braso sa dibdib. Kitang kita sa mukha niya ang pagkakabadtrip at pagka-irita kay Darren, her old childhood friend and neighbor.

Waves Of Costa FuegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon