Kabanata 17 : Cerebro

2 0 0
                                    

"MGA WALANG HIYA KAYONG LAHAT, PATI MAMA KO DINAMAY NIYO PA!" Galit na sigaw ko at isang malutong na sampal na naman ang nakuha ko sa kalbong lalaki.

Tinali niya na ako sa silyang katabi ni Mama na wala pa ring malay. Hindi ko mapigilan na magalit at maiyak habang tinitignan ang mga sugat sa pisngi ni mama. "ANONG GINAWA NIYO SA KANYA! MGA HAYOP KAYO!"

"Ernesto? Turukan mo na kaya 'yan ang ingay! ang sakit sa tenga."

"Ge pre, pero magsasaya muna ako bago ko gawin 'yan."

"Oo na, gawin mo na lang ang gusto mo total walang malay pa naman itong katabi kong si Jun."

Nakangising aso na lumalapit sa akin ang kalbong lalaki. Pero hindi ako nasindak sa kanya, sa galit ko ngayon wala akong ibang maisip kundi ang kagustuhang patayin siya.

Hinawakan niya ang mukha ko at marahas na hinaplos ang magulong buhok ko.
"Anong gagawin mo!?" Puno ng galit na usal ko at tumawa lang siya.

"Tang ina! Ang gusto ko talaga sa babae ay ang ma-attitude at tsaka hard to get." Nag-ngising aso na naman siya at nagulat ako ng ginamit niya ang kutsilyo niya at pinunit ang harapan ng damit ko.

Dahil sa ginawa niya ay bumalandara sa kanya ang bra na suot ko. Pero imbes matakot ay mas nagalit ako. Tumawa kaagad siya at tumingin sa lalaking prenteng naka-upo sa tabi niya habang nasisiyahang nakatingin sa ginagawa ng kaibigan niya.

"Hoy! Ernesto tama na 'yan baka ano pang magawa mo." Ani niya sabay tawa.

"Pare naman... Tignan mong mabuti ang laki at ang puti ng dibdib niya. Hindi ka ba nangigigil?"

Natawa na naman ang lalaki pero nagulat siya ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone sa bulsa niya.

"Pucha! Tumatawag si Boss." Natatarantang sigaw niya.

"Tsk! Ang pangit talaga ng timing, akin na nga 'yan." Naiiritang usal ng kalbong lalaki at kinuha ang cellphone sa kasama at lumakad pa layo sa amin.

Dahil sa pagsunod ko ng tingin kay Ernesto na palayo na sa amin ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang lalaking kung hindi ako nagkakamali ay Eric, ang pangalan.

"Rest well binibini." Masayang sabi niya at naramdaman ko na lang ang pagturok niya ng pampatulog sa akin.

"Pagbabayaran niyo ito..." Sigaw ko at sinubukang labanan ang epekto ng gamot na tinurok niya sa akin.

"Pasensya na, trabaho lang." Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere at binitawan niya ang wala nang laman na syringe at agad na kumindat sa akin bago umikot ang paningin ko sa paligid.

Ayokong mawalan ng malay. Ayokong makatulog. Dahil baka anong gawin nila kay Mama, kapag nakatulog ako. Ayokong mawalan ng ulirat. Lord please, help me! Wag niyong hayaang saktan nila si Mama.

****

"Are they not awake? Are you sure you injected them with what I gave you?"

Isang pamilyar na boses ng isang babae ang narinig ko. Nagbalik ang malay ko at hindi ko alam kung bakit nagising ako ng biglaan.

Dahil sa mga ingay ng bagong rating ay mas pinili kong magpanggap na walang malay para mas marinig pa ng mabuti ang mga sinasabi nila at ang mga plano nila sa amin ni Mama.

"Yes po Boss. Mag-iisang oras ko na 'yan tinurukan."

"Good. At bakit punit ang damit ni Laura? Did you do something bad on her?"

"W-wala po boss." Natatarantang agap ng kalbong lalaki.

Lea? Si Lea ba talaga itong nasa harapan ko? Naramdaman ko na bigla siyang lumapit sa akin at inayos niya ang buhok ko at inipit ito sa likod ng tenga ko.

Waves Of Costa FuegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon