Kabanata 4: Painting

9 2 0
                                    

Hindi ako halos makapaniwala na ang lalaking ito ang isa sa tagapagmana ng yaman ng mga Del fuego.

"Buti naman at nandito kana Senyorito, pupunta kaba ngayon sa ubasan?" Tanong ni Madam Isa, nang nakalapit siya sa amin, kasi mukhang hindi niya ako nakuha sa senyas niya kanina.

"Yes, I never been there, Mom want me to check out the building. Marami daw kailangan ayusin doon..."
He said coolly while his eyes are darted on me.

Tumango naman si Madam at napatingin na rin sa akin.
"Laura, nakilala mo na ba itong si Senyorito Archival?... minsan lang itong pumunta dito kaya maraming hindi nakakilala sa kanya"
Sasagot na sana ako kaso naunahan niya ako.

"We met already, though she doesn't have any idea who I am"
He said like almost a whisper, he licked his lower lip when I'm looking at him and I saw those ghost smile of his again.

Sa hindi malamang dahilan, para akong naiirita sa ka-preskohan niya. Umirap ako ng hindi ko namalayan at nakita niya iyon.

"N-ngayon ko pa lang po nalaman Madam..."
Sabi ko at tatalikod na sana para tapusin ang dapat kong gagawin at para makaalis na rin sa harapan niya kaso.

"Nga pala Laura, gusto ko sanang ihatid mo ang mga pagkain sa planta ngayon dahil wala si Mila may nilakad yata... Tapos ka naman siguro sa iyong ginagawa diba?"

Nagbuntong-hininga muna ako bago ngumiti ng pilit kay Madam.
"O-opo, maliligpit na lang po ako"

"Mabuti, sumabay ka na lang kay Archival total pupunta rin naman siya sa planta ngayon... kung okay lang sayo?"
tanong niya kay Archival na ngayo'y nakatingin pa rin sa akin.
"Walang problema..."
Sambit niya sabay kuha ng susi niya sa bulsa niya.

Binigay agad ni Madam sa akin ang isang listahan na kukunin ko sa restaurant sa San Antonio ang sentro ng Costa Fuego. Wala akong nagawa kundi sundin ang utos ni Madam at kumuha na ng mga dapat na dadalhin.

Hindi ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa loob ng SUV niya. Hindi na ako halos makahinga sa nerbyos, kaba at pagka-irita dahil sa presensya niya.

Buong byahe akong walang imik, nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang siya naman ay nahuhuli kong sumusulyap sa akin.
Nakakairita, hindi ko akalain na itong katabi ko ay panganay ng mga Del Fuego.

Sinipat ko siya saglit at hindi ko talaga makita ang pagkakahawig nila ni Sebastian.

Sebastian's face is gentle, with soft angelic features, and his hair is a bit curly; that's why he is so cute but handsome at the same time, but this man is not. He looked arrogant with his thick, arched brow, lazy but menacing eyes, and thin, grim lips. They're really opposite.

He's the darker version of his younger brother.
Obviously, he looked more mature, but I cannot disagree with the fact that this man really looks like a demi-god in the movies, and "handsome" is not the only word that can describe him.

Napansin niya ang tingin ko sa kanya, napataas ang kilay niya at tumaas ang gilid ng labi habang nagdra-drive.

"Do you want some music?"

Tumango lang ako at tumingin na ulit sa labas, he click some channels sa dashboard niya at nag play na ang kanta. Mellow music lang naman kaya magandang pakingan, lalo pa't medyo maulan sa labas.
Pinakingan ko lang ang kanta. Habang nagtitimpi na sana medyo bilisan niya ang pagpapatakbo sa kanyang sasakyan. Para na kasi akong na so-suffocate sa presensya niya.

"Are you okay? You look so tensed..." tanong niya na kinagulat ko.
Halata ba talagang hindi ako komportable sa kanya?

"Hindi naman, ayos lang ako. J-just keep your eye on the road..."

Waves Of Costa FuegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon