Nagdaan ang mga araw na mas naging malapit kami ni Archival, he always makes time for me. At kahit busy siya bilang representative ng family niya sa mga business meetings, proposals at iba't ibang events nila ay parati pa rin siyang naglalaan ng oras para sa akin para tumawag at mag-text para kamustahin ako, pero minsan lang kaming nagkikita dahil marami raw projects na kailangan niyang tapusin lalo na sa Maynila.
The last time I saw him was two days ago, sabi niya may tatapusin lang siyang importanteng bagay sa site nila sa Ilocos at pag natapos niya yon ay mas magiging maluwag na ang schedule niya.
Malapit na rin ang sembreak namin and he promised me na magbabakasyon kami somewhere kapag hindi na kami busy and I'm really excited about it.Biglang nag-vibrate ang phone ko and I immediately read his text.
Archival :
Good morning baby, I'm sorry ngayon lang ako nakapag-text we're on the site and Sebastian is with me. I'll be busy today so please take a good care and I call you later, I miss you...Napangiti ako, kanina ko pa hinihintay ang text niya ayoko ring manawag kasi baka madistorbo ko pa siya. Nagreply lang ako at lumakad na pamunta sa canteen para bumili ng makakain.
Nag-vibrate na naman ulit ang phone ko kaya nataranta akong tignan ang message, akala ko kay Archival pero galing lang pala kay Lea.Lea:
Can I call you?And I replied her saying yes, nagmadali akong bumili sa counter at mag-isang umupo sa mini garden.
May basketball practice kasi si Lukas kaya hindi ko siya kasama ngayon. Hindi naman nagtagal ng nag-ring ang phone ko at agad akong napangiti ng makita ang caller ID ng tumatawag sa akin sa Messenger."Hi Laura! I miss you..."
Lea said while waving, I opened my camera so that she can see me.
"Sorry ngayon lang ako nakatawag, I'm so super duper busy here...alam mo na,"
"Ano ka ba? Ok lang no, so kamusta ka na d'yan? I miss you too Lei..."
Gusto kong i-share sa kanya ang mga nangyari sa akin dito at lalo na kay Archival. Pero siguro mas mabuting sa personal ko na lang sasabihin sa kanya, lalo pa ngayon na sobrang busy niya.
"Ok lang naman, you know that I'm so excited na! Alam mo bang baka next, next week uuwi na ako d'yan, kasi they want to officially introduce me as the fiancee of Livi...Oh My G!"
Masayang sabi niya at napangiti naman ako dahil kahit ang layo namin sa isa't isa nararamdaman ko pa rin ang excitement at saya niya dahil sa nalalapit niyang kasal.
"I can't wait to see you, marami rin akong gustong i-share sa'yo..."
biglang mas lumaki ang ngisi niya at napataas ang kilay sa pagka-intriga sa sinabi ko.
"Geez! Is this about a boy???"
Tumango naman ako at pareha kaming humagikgik sa tawa.
"I can't believe this! My gosh! Si Lukas talaga, hinintay lang pala akong lumipad dito sa US para makapag first-move sa'yo..."
biglang nawala ang ngiti ko at napansin niya agad 'yon.
"Ohh w-wait...its not Lukas?"
Tumango naman ako at malungkot na ngumiti, alam kong gusto ako ni Lukas but I can't repay that feeling.
Dahil si Archival lang ang lalaking minahal ko ng ganito."Okay...I guess let's talk about that kapag nand'yan na ako, mukha malalim 'yan eh, and by the way! Prepare a dress..."
Napakunot naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Para saan?"
Tanong ko.Tumikhim muna sya at tsaka masayang tumingin sa akin.
"There will be an engagement party when I get home, so be prepared. I will also tell Lukas, so you can have someone with you, because I still haven't met this guy you're talking about..."
Biglang may nagbukas ng kwarto ni Lea at may nakatayo doong lalaking nakasuot ng tuxedo, pero dahil sa layo ng camera at dilim ng kwarto niya ay hindi ko makita o maaninag ang mukha niya.
Napalingon naman si Lea sa likuran niya at agad na binalik ang tingin sa akin.
"Oh gosh! its Livi! I have to go. I will call you later, bye mwua..."
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil biglang niya ng binaba ang tawag.So 'yon pala si Livi? Why I feel something bad about it. Medyo kasi familiar ang tindig niya.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa Mansion. Kasama ko si Lukas ngayon na medyo basa pa ang buhok. Mukhang kakaligo niya lang.
Pumara siya ng tricycle at pina-una niya akong sumakay.
BINABASA MO ANG
Waves Of Costa Fuego
RomansaLaura Isabelle Villacampo is known to her beauty in Costa Fuego, marami man ang nagsasabi na para siyang anak mayaman pero ang totoo n'yan ay mulat talaga siya sa hirap. Hindi niya kailanman nakilala ang kanyang ama at tanging ang ina niya lang ang...