Pagpasok namin sa likuran ng mansion ay nabigla ako sa pagiging busy ng lahat ng tao, pati si Madam Isa ay hindi na magkamayaw sa pag sesermon sa iba.
Kaya lumapit na ako agad sa kanya, si Lukas naman ay dumeritso na sa hawla ng mga kabayo para pakainin ito."Wala na bang ibang pwedeng maging serbidora diyan?" Natatarantang tanong ni Madam Isa, napansin naman ng kaharap niyang si Aleng Mila ang paglapit ko kaya parang nabunutan siya ng tinik at humarap agad kay Madam.
"Meron na, ito oh si Laura!" Sabay turo niya sa akin. Tinignan naman ako ni Madam at basi sa mukha niya parang guminhawa ang pakiramdam niya na makitang nandito na ako.
"Salamat naman, malapit ko ng makalimutan Mila na may isa pa pala akong alaga, oh sya! sumunod ka sa akin hija at ipapaliwanag ko sayo ang gagawin mo mamaya"
Aniya habang nagpa-paypay sa kanyang sarili.
Ipinasuot na ni Madam sa akin ang isang puting uniporme na may black below the knee skirt, tapos binigyan niya rin ako ng isang may magandang disensyo na silver tray tsaka siya nagpaliwanag sa aking dapat na gagawin mamaya sa event.
Sampu kaming lahat na serbidora ngayon sa kusina ang iba dito ay ngayon ko palang nakilala, hinanap ko rin si Lea sa loob nagbabakasakali na makita ko rin siya dito, pero wala ni kahit anino niya ang nakita ko.
Tumayo si Madam malapit sa pintuan ng kusina at pumalapak ito ng dalawang beses para kunin ang atensyon naming lahat pati na rin ng mga chef sa aming likuran.
"Ang iba sa inyo siguro'y alam na kung anong mangyayari sa gabing ito hindi ba?... Kung hindi pa ay gusto kong malaman niyo na welcome party ito dahil nakauwi na ang mga Del Fuego... Kaya sa mga bago dito pagbutihan niyo ang gagawin niyo, ayoko ng palpak na trabahon dapat alam niyo na yan..." Ma-autoridad na sambit niya sa aming lahat.
Nagsimula ng dumami ang mga tao sa loob ng sobrang malawak na living room ng mansion, meron ring sa gilid ng pool nagkukumpulan at nagkakatuwaan at lahat sila ay nakasuot ng mamahaling at nag gagandahang makukulay na gown at suits, halos lahat yata ng nandito ay puro mayaman except lang sa aming mga kasambahay dito.
The mansion is inspired by the style of European countries base on the details of its wood itself, and despite its age, it retains its grandeur and beauty, particularly the large chandelier in the center, which screams the luxurious life of the Del Fuegos.
Mukhang ilang beses na rin itong na renovate para lang mapangalagaan ang ganda at grande nito. Medyo creepy nga lang tignan ang mga malalaking statue ng gargoyle at anghel sa labas ng portico pero kahit ganon sobrang detalye naman ang pagkakabuo ng buong mansion.Napatigil ang pagmamasid ko sa party ng biglang may kumalabit sa balikat ko, paglingon ko ay napatulala ako sa ganda ni Lea at sa suot niyang isang black and gold ruffle long dress. Umikot pa siya sa harap ko at ngumiti.
"What do you think about my outfit?" Masayang tanong niya.
"Pretty as always..." Deritsong sabi ko.
Nagbuntong-hininga naman siya at agad yumakap sa akin.
"Hindi na sana ako a-attend dito eh, worker rin naman ako... but my mom insist me to be here and dress like this, hindi niya ako pinayagan na tumulong dito." She said while pouting.Napatawa naman ako. It's normal, anak mayaman siya and this event is for them. Hindi na nagtagal ang pag-uusap namin ni Lea dahil tinawag na ako ng isa pang serbidora para kumuha pa ng mga drinks.
Naglalakad na ako sa gitna ng maraming tao habang dala-dala ang tray na may tatlong wine at dalawang champagne, may kumaway naman sa akin na isang matandang lalaki para kumuha ng inomin kaya lumapit ako sa kanya, kumuha siya ng dalawang baso ng champagne at binigay niya ang isa sa kanyang babaeng kausap, bigla namang may lumapit sa kanila na isang lalaking may mataas na balbas kaya napa-atras ako kaso hindi ko namalayan na may tao pala sa likuran ko kaya hindi ko nasadyang ma-out of balance at matapon sa kanya ang mga baso na may lamang wine.
BINABASA MO ANG
Waves Of Costa Fuego
RomanceLaura Isabelle Villacampo is known to her beauty in Costa Fuego, marami man ang nagsasabi na para siyang anak mayaman pero ang totoo n'yan ay mulat talaga siya sa hirap. Hindi niya kailanman nakilala ang kanyang ama at tanging ang ina niya lang ang...