Nasa gitna ako ng klase ngayon habang nag di-discuss ang professor namin sa aming major subject.
Classmate ko dito si Lea at napansin ko na kanina pa siya matamlay at palaging nagbubuntong-hininga.
Nag take-down lang ako ng mga notes kasi next week na ang exam namin."Study ahead of time, next week na ang periodical exam niyo, I'll write some pointers here to guide you."
ani niya at nagsulat siya ng mga formula sa blackboard.
"So if mababa lang ang score niyo sa exam. Hindi ko na yan kasalan" sabi niya pa at ilang sandali lang ay nagpaalam na."Lea? Okay ka lang? Kanina ka pa matamlay... may problema ba?." nagaalalang tanong ko.
Naghalumbaba lang siya dito sa bench habang nagdudugtong ang mga kilay.
"Hindi ko na alam Lau, I'd been so stress lately hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko"
nalulungkot na sabi niya.Hindi nga niya halos nakain ang binili niyang snacks dahil sa sobrang lalim ng iniisip niya.
"Ano bang problema? Mind to share?"
tumingin lang si Lea sa can juice niya na hindi pa nabuksan at tsaka malungkot na ngumiti.
"What can you say about pragmatic marriage?"
nagulat ako at umayos ng pagkakaupo sabay harap sa kanya.
"Arrange marriage? bakit?"
Pabirong umirap si Lea at napatingin na lang sa mga naglalakad na studyante sa aming harapan.
"My mom discussed it with me recently, and they already have a man to their liking that they want me to marry; they planned a blind date for me and for that person..."
biglang tumulo ang luha niya at malungkot na tumingin sa akin.
"b-but I'm not ready to be married, I have plans Lau... at a-ayokong magpakasal sa l-lalaking hindi ko naman m-mahal"I hugged her tightly, Lea was crying hard on my shoulder, and when she let go, she just smiled bitterly while wiping away her tears.
"Perks of having a rich family tsk..."
kinain niya na ang kanyang snacks, at ako naman ay naninimbang kung paano ko siya i-comfort sa problema niya ngayon, nagbalik naman ang sigla ni Lea sa aming klase, pero nararamdaman ko pa rin na pinipilit niya lang maging masigla sa harapan ko at sa ibang classmates namin.Pagkatapos ng klase ay agad na nagpaalam si Lea sa akin sabi niya susunduin raw siya ng Mama niya ngayon kasi may pupuntahan sila, hindi rin daw siya makakapunta sa mansion ngayon at nasabi na rin niya kay Madam kong bakit.
Kaya wala akong nagawa kundi mag-isang uuwi ngayon. Maaga pa naman kaya naisip ko na hindi na mag tra-tricycle papunta sa mansion.
Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Manong Ramil, nagtitinda siya ng kwek-kwek at iba pang street foods sa labas ng gate ng university namin kaya huminto muna ako sa harap niya para bumati at bumili ng isang baso ng kwek-kwek.
"Good afternoon Manong, pabili po ng isang set ng kwek-kwek"
sabi ko na ikinatuwa niya."Oh, Ikaw pala yan Laura, ang swerte ko naman kasi maganda agad ang customer ko" sabi niya sabay tawa. "Ito na, para sa'yo Ms. Maganda"
kinuha ko naman ang baso sa kanya sabay abot ko na rin ng bayad.
"May extra kwek-kwek 'yan kasi kapag ikaw ang bumibili sa akin, tyak! Ubos ito mamaya"
Natawa naman ako at nagpaalam na sa kanya.Naglakad lang ako habang kumain ng kwek-kwek at dumaan na sa tabing dagat, medyo malayo itong daan nato kung lalakarin mo papunta sa mansion, pero mas gusto ko dito dumaan kasi tahimik at walang tao, lalo pa sa oras na ito.
Kinuha ko ang headphone ko sa bag at tsaka pumili na ng kanta sa aking cellphone habang naglalakad sa dalampasigan.
2pm pa kaya medyo masakit pa rin ang sinag ng araw sa balat, kaya dumaan na lang ako sa mga silong ng mga kahoy.
Buti na lang at hindi ako naka-uniporme ngayon kaya hinubad ko lang ang sapatos ko at dinama ang pinong buhangin sa paa ko. Maaliwalas ang dagat ngayon tapos hindi masyadong maalon, mahangin rin kaya natatangay nito ang mahaba kong buhok.
BINABASA MO ANG
Waves Of Costa Fuego
Storie d'amoreLaura Isabelle Villacampo is known to her beauty in Costa Fuego, marami man ang nagsasabi na para siyang anak mayaman pero ang totoo n'yan ay mulat talaga siya sa hirap. Hindi niya kailanman nakilala ang kanyang ama at tanging ang ina niya lang ang...