Isang lingo na rin ang lumipas mula nong party, pero kahit ganon parang wala namang nagbago sa mansion parati parin itong tahimik.
Sabi ni Madam Isa, ang Don at Donya kasama ng dalawang anak nila ay busy sa kani-kanilang responsibilidad sa kompanya kaya hindi parating nakaperme dito. Ni hindi sumipot ang panganay na anak ni Donya Mathilda sa party dahil raw sa busy ito basi sa mga sabi-sabi ng mga kasambahay dito.Pinapunta ako ni Madam sa harapan ng hardin upang diligan ang mga natutuyong halaman dito.
I didn't notice that I was getting closer to the fountain earlier so, I couldn't help but remember the man who was standing here before. I keep on wondering kung sino ba siya o bagong tauhan ba siya ni Madam pero ang boses niya ay talagang kapareha nong lalaking natapunan ko ng wine sa party.
Pinilig ko na lang ang ulo ko kasi impossible naman na siya yong lalaking mukhang guwardya dito. Tinapos ko na lang ang pagdidilig at inayos ang hose kaso biglang may tumapik sa balikat ko kaya napatalon ako sa gulat.
"Opss! Sorry"
Natatawang wika niya sa mababang boses.
Nagulat ako ng makitang si Senyorito Sebastian ang nasa harapan ko. Suot ng isang black loose polo at short, mukha siyang bagong gising habang dala-dala ang isang tasa ng kape sa kamay niya."Did I disturb you, sorry if it made you startled"
he said while sipping his coffee."O-okay lang po sir, ano pong ipag-uutos niyo?"
kinakabahang sambit ko at halos hindi makatingin ng deritso sa kanya.He's so handsome with his short curly hair and even though he just woke up, he still look fresh…
"Drop formalities, Laura. Just call me Sebastian or baste just like before"
Nagulat akong napatingin sa kanya habang siya ay ngumisi at sumisipsip sa tasa ng kape niya.Naalala niya pa pala ako?
It's been five years noong unang kita ko palang sa kanya. Dati palang matangkad at habulin na ng babae si Sebastian, parati siyang bida sa mga sa usap-usapan ng mga kababaihan noon sa baryo kaya kahit hindi ko pa siya ganoong kakilala ay halos alam ko na ang lahat sa kanya.
It was summer that time na nagkasakit si Mama, kaya inutusan niya ako na pumunta sa botika sa may San Antonio malapit lang dito sa Costa para bumili ng gamot niya.
Nagkataon na bagong lipat kami ni Mama dito mula Leyte kaya hindi ko pa kabisado ang mga daanan dito, sout ang isang itim na capre short at puting racerback ay tumulak na ako sa parating daanan ko papunta sa tyange na nasa sentro.
Sa may tabing dagat na ako dumadaan papunta sa San Antonio, mas kabisado ko kasi dito kaysa sa main road.At ang isa pang rason ko ay nagagandahan talaga ako sa tanawin dito,
Masagana talaga ang dagat ng Costa Fuego, the white sand, pristine blue sea, huges waves, and there are also coconut trees around, so it's not too hot when you pass under its shade.Dahil sa lalim ng iniisip ko habang nakatingin sa dagat ay hindi ko napansin na may makakasalubong akong tumatakbo at naghahabulang lalaki at babae at dahil sa pagkatulala ko ay hindi ako agad nakailag sa kanila.
Sebastian...
He didn't notice me either, so he accidentally bumped me and as a result, I fell down and sat on the sand.
"Sorry, are you okay?."
tanong niya at agad akong inilalayan para makatayo. Nang napa-angat ako ng tingin sa kanya ay agad akong natunaw sa pares ng mata niyang nakatingin sa akin.
Parang huminto ang paligid ko dahil sa lapit niya sa akin.
He's so kind at ang amo pa ng mukha niya, nakasuot siya ng puting pulo at puting pajama kaya parang anghel siya na bumagsak lang galing sa langit.
BINABASA MO ANG
Waves Of Costa Fuego
RomanceLaura Isabelle Villacampo is known to her beauty in Costa Fuego, marami man ang nagsasabi na para siyang anak mayaman pero ang totoo n'yan ay mulat talaga siya sa hirap. Hindi niya kailanman nakilala ang kanyang ama at tanging ang ina niya lang ang...