3 : The Power of Egg Sandwich

224 4 0
                                    


Kanina pa ako pinatawag ni sir sa loob at kanina pa ako nandito, pero hanggang ngayon wala pa rin siyang sinasabi. Nagbabasa pa rin siya ng kung ano sa laptop niya. 


"Ahm, sir?"


"Yes?"


"Tinawag niyo po ako?"


"Yes."


I sighed and prayed for patience. "Do you need anything, sir?"


He stayed silent or a moment, then he shut his laptop close. "I need you to do something for me. Lahat ng appointments ko for this week, resched them all for next week." Tumango ako, pero hindi ko maintindihan kung bakit.


"Can I ask why, sir?"


"No."


Okay, maybe not. Baka may kinalaman ito sa unexpected bisita ni Maam Yvonne kahapon. "So, meaning to say, you want to be busy next week?"


He shot me a glare. Alam niyang alam ko kung anong binabalak niya. "Yes, and you will also forget what you witnessed in this office yesterday." Binuksan na niya ulit yung laptop niya, meaning tapos na ang utos niya at kailangan ko nang lumayas.


"Ahm, sir? Anong part po yung kakalimutan ko?"


"You know it very well, Tiana."


--WHAT HAPPENED YESTERDAY--


"Talagang magmamatigas ka?!" Sigaw ni Maam Yvonne habang hinahampas si sir. Lalapit sana ako para umawat kaso naunahan na ako ni sir. "Kausapin mo ko! Hindi yung ganito!"


"We have nothing to talk about."


"It's been a year, Tyrone! Ano pa bang gusto mo?!" Naiiyak na sigaw ni Maam. Kahit na umiiyak siya, ang ganda ganda pa rin niya... Hanggang sa may inabot sa kanyang green na envelope. "You are the only person who I consider family, sana naman makarating ka... please..."


I watched as he examined the envelope... or invitation? Tapos nun natawa at napailing siya. "Did you come all the way here to rub it on my face, Yvonne?"


"I want you to attend my wedding! I want you to be there because you're the only one I have!"


"Well, suck the wedding and have my best wishes." Magsasalita pa sana si Maam Yvonne pero nakapasok na ulit si sir sa office.


-----


Pagkalabas ko ng office niya, sinimulan ko na yung trabaho ko. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari kahapon. Pati na yung mga nalaman ko. 


So mali pala ang theory ko na break-up ang dahilan ng pagka-possessed ni sir? At mali ring magkarelasyon si Maam Yvonne at boss? Eh ano ba ang tamang theory?

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon