1 : Shouldn't Have

621 8 1
                                    




"Tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Bwiset!" Napapikit ako sa kahihiyan. Alam kong may ibang taong nakatingin na sa akin ngayon. Lalo na yung babaeng nakabangga ko lang kanina. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kapag nabangga ka ng wala man lang sorry?


Well, I'm freaking late and I didn't have the chance to say sorry. I glanced at my watch and cursed. Four minutes na lang! Binilisan ko yung takbo ko papasok ng building. Good Lord. Paabutin ninyo ako sa oras parang awa niyo na.


Hindi matawaran yung ngiti ko at ang paghahabol ng hininga ko noong makapag-in ako ng sakto sa oras. But that doesn't stop my race. Dahil sa 25th floor pa ang totoong finish line.


"Uy, Tiana!" Napalingon ako sa boses ni Marc na nasa loob na ng elevator. Madali akong pumasok at napatid pa ako sa sobrang pagmamadali. "Easy, easy. Okay ka lang?"


Huminga ako ng napakalalim. "Oo naman. Goodmorning!" Nakakangisi na ako dahil hindi ako na-late at hindi ko na kailangan pang makipagunahan sa elevator.


"Muntikan ka na naman ma-late. For sure hinihintay ka na ni boss." Sabi ni Marc at tinignan ko kaagad siya ng masama. Sikat ako sa lahat ng mga empleyado dito bilang secretary ng World's Most Difficult Boss, at araw-araw nila akong pinapanood na tumakbo, mapatid, at magpanic sa mga utos ng isa sa mga may-ari ng Dela Macio Cula Group of Companies.


Nag-umpisa lang naman ito simula noong nagbago ang boss ko.


Madali lang naman ang trabaho ng isang secretary, lalo na kung mabait ang pinagtatrabahuhan mo. In my case, mabait si sir. Hindi niya ako binibigyan ng napakaraming gawain at paperworks. Saktuhan lang. Minsan siya pa ang gumagawa ng dapat kong gawin. Hindi rin siya pala-utos. Minsan lang kapag emergency na o kapag tungkol sa girlfriend niya. May mga sinunod na rin akong weird tasks at appointments tulad ng pagbisita nga sa girlfriend niya at pag-i-stalk. Wala naman sa akin yun dahil boss ko siya at binabayaran niya ako.


Mabait si boss. Until that tragic event last year.


At simula noon, naging istrikto na siya sa lahat ng kinikilos ng mga empleyado dito. Maski ako nakakatikim ng nakakamatay na tingin at galit niya kapag may konting problema. Nawala na rin yung mga favors or mga pang-i-stalk days ko sa girlfriend niya.


At ang pinaka-nakakapanibago, lagi na siyang malungkot.


"Sige, dito na ko. Sabay tayo ng lunch!" Paalam sa akin ni Marc bago siya lumabas ng elevator. Saka ko na rin napansing malapit na ang floor ko.


Ping! Napahinga ako ng malalim sa tunog ng elevator na nagsasabing pang-25th floor na ito. Mabilis akong lumabas at tumungo sa desk ko. Nadatnan ko ang isang listahan ng gagawin ko ngayong araw.


Another day has started, Tatiana. Kaya mo 'yan.


Habang binabasa ko yung listahan, tumunog na agad yung intercom. I waited for him to speak and bark his order. "Can you send Freddy over here?"


"Right away, sir. Good morning sir." 


Hindi na ako naghintay ng pagbati niya pabalik dahil napaka-imposibleng mangyari yun. Umupo na ako sa pwesto ko at tinawagan ang office ni sir Fred. "Mr. Maciano's office, goodmorning." Rinig ko ang boses ni Marc sa telepono.

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon