11 : Not Really Back

168 4 0
                                    



"Dapat talaga sa iyo ang trabaho na ito." Pailing-iling ni Marc habang kasabay ko siyang kumain ng lunch sa office canteen. Pumayag akong sumabay dahil ayokong magtagal sa office lang. Kahit isang oras lang, makalayo lang ako. Hindi ko lang maalala ulit ang mga kagagahan ko.



Pero parang imposible.



Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain ko. Patuloy pa rin sa pagrereklamo si Marc tungkol sa trabaho na dapat ay ako ang nahihirapang gumawa. Pagkakuha kasi ni sir ng deal with Mr Mendez, ipinasa na niya agad ang mga paperworks kay sir Fred. 



At salung-salo ni Marc lahat ng iyon.



"Tiana, okay ka lang ba?" Napalayo ako bigla nung hinawahan niya yung pisngi ko. I stared at him. "Sorry, kasi... parang may sakit ka. Are you okay?"



Mabilis akong tumango. "Oo naman. Puyat lang ako."



The look in his eyes told me that he was not convinced. Pero hindi na siya nagsalita at dinagdagan niya pa ako ng kanin at ulam na baon niya. Right after lunch, para akong tuod na bumalik sa office. By this time sana tapos nang kumain si sir at nakabalik na rin siya para hindi kami magsasabay sa elevator.



This is his first time eating his lunch outside. At alam ko kung bakit.



Pagkarating ko sa office, tinignan ko muna ng mabuti yung paligid. Nandito na ba siya? I braved myself and opened the door to his office and peeked. To my disappointment, wala pa siya. Meaning...



"Excuse me." Para akong nakuryente sa boses niya at bigla akong napalingon. Stupid, stupid, stupid. Bakit kasi hindi mamatay 'yang curiosity mo, Tiana? Bakit kasi hindi ka makinig sa sarili mo? 



Diba na-practice mo na 'to?



I muttered sorry and went back to my desk. Ikaw ang nagsabi ng kakalimutan niyo ang lahat diba? You two will act like nothing happened. Pero ano, Tiana? 



Why are you being like this?



Nung nagsalita si sir saka ko lang napansing hindi pa pala siya pumapasok. "How's your leg?" Nilabanan ko lahat ng cells at muscles kong tignan siya.



I stared down at my desk. You will never see him the same way again. Kahit anong deny mo, kahit anong practice mo. He has stolen something precious from you. He did unforgettable things with you. He took what once was yours and you will never get it back. 

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon