"Anak, parang gabing-gabi ka na umuwi kagabi ha." Bungad kaagad sa akin ni Papa noong lumabas ako sa kwarto ko pagkatapos kong magbihis.
Tinignan kaagad ng kapatid ko ang suot ko at umirap gaya ng lagi niyang ginagawa tuwing umaga kapag naabutan ko siya bago siya pumasok.
"Marami lang akong tinapos, 'Pa. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam." Umupo kaagad ako at nagumpisang kumain. Sa pangalawang kagat ko ng pandesal hindi ko na maiwasan yung tingin ng kapatid ko. "Crisa Milagros, hindi ka pa ba late?"
Umirap naman siya bago siya umiling. "Hindi pa. Five thirty pa ko aalis, alas singko pa lang eh." Bumaba yung tingin niya sa suot ko. "Nakabalot na naman yang katawan mo, ate, hindi ka ba naiinitan sa suot mo? Mag-iba ka naman ng attire minsan!"
"Ganito naman lagi ang suot ko." Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag ko lang ulit makikitang wala ang mga damit ko, baka pati allowance mo mawala." Natawa si Papa sa sinabi ko kaya napairap ulit si Crisa.
"Oo na, Tatiana Remedios." Sagot niya sabay dila.
"Milagros." Asar ko pabalik.
"Oh, ayan na naman kayong dalawa, wala pang araw nagaasaran na naman kayo." Awat ni Papa bago siya humigop ng kape. "Gabi ka na umuwi, nak, tapos ang aga mong umalis ngayon? Anong meron?"
Naibaba ko yung sarili kong baso ng kape. "May problema lang po sa trabaho na kailangang ayusin."
Sa totoo lang po hindi lang trabaho ang problema ng anak niyo, pero syempre hindi ko sasabihin dahil alam kong mahihirapan rin kayo. Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. I kissed them goodbye and turned to leave.
Maaga akong nakarating sa office. Nag-umpisa na akong magtrabaho para kapag dumating na ang boss ko, abala ako at hindi ko siya kailangang harapin. Maaga rin ako para paghandaan ang mga sasabihin at ikikilos ko sa harap niya kapag dumating na siya.
Pagkatapos ng nangyari kagabi, alam kong wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.
But I am his secretary, so I should always find a way to show up in his office and act like the usual. Be a robot paid to the job I was hired to do.
Pero lunchtime na at hindi dumating si sir. Akala ko absent siya dahil sa pag-inom niya kagabi pero hindi pala iyon ang dahilan. Kay Marc ko na lang nalaman na magkasama ngayon ang mga boss namin sa Laguna at gumagawa ng paraan para ayusin ang gusot.
![](https://img.wattpad.com/cover/118448467-288-k520085.jpg)
BINABASA MO ANG
Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)
General FictionHow far will you go to satisfy your boss? Tatiana Remedios Santillan is just like a little flower in a small garden. She enjoys her life as an ordinary secretary, a loveable daughter, sister, and a friend. She likes her world with things she can eas...