12 : Slowly Breaking

164 4 0
                                    



Nagulat ako sa nakita ko pagkarating ko ng office. What the hell? 



Tinignan ko kung tamang floor ba ang narating ko. 



Is this 25th floor or what? Pero bakit ganito?



Unti-unti akong lumapit sa desk ko. The desk contains my things and some papers that I need to work on for today. So tamang office nga ito. Pero anong nangyari sa office ni sir? Bakit wala na yung black and gray na mga dingding? 



Bakit napalitan bigla ng glass walls? Bakit hindi na tinted?



Bakit ngayon pa sila nag-renovate ng office?!



Naputol yung pagpa-panic ko noong marinig ko ang tunog ng elevator at lumabas doon si sir. He was looking at me and he noticed me frowning. Lalo namang nangunot ang noo ko nung inabutan niya ako ng kape galing Starbucks. "Sir?"



"Take it. It's yours." Sabi niya na para bang simple lang ang sinabi niya at madaling intindihin. Pero ako hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? 



Noong hindi ko pa rin kinukuha, nilagay na lang niya sa desk ko. Then he faced me.



"Sir?" I cleared my throat before looking at him. Ang aga-aga, ang init na naman ng katawan ko. Nag-elevator naman ako at hindi ako naghagdan. "Why the sudden renovation?" 



And why are you giving me that coffee? And why did you go to my house last night?



I saw how his eyebrow raised and the color in his eyes darken. "I don't even know why, but maybe you should ask Mildred about this." Saka niya nilingon yung bagong-palit na dingding. Napamura siya bago siya pumasok sa loob ng office niya.



Maganda sana ang bagong design ng office ni sir, kundi lang sa kasalukuyang sitwasyon naming dalawa ni sir. Sitwasyon ninyo? Wala kayong ganun, Tiana!



I tried working and ignoring the new blasted walls, pero parang nawawala ako sa concentration. Nakailang punta rin ako sa restroom dahil iyon na lang ang lugar na hindi ako makikita ni sir at hindi ko siya makikita. 



I tried to calm myself, but my damned heart does not have the plan to listen to its owner. 



Kainis. Kainis. Kainis.

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon