26 : Crumbling

196 6 0
                                    



It took me a whole lot of time, magic, praying, and applying of concealer bago ko matakpan ang mga dapat takpan. The ordeal that happened between me and Tyrone last night left me so undone and... ugly. 



Namaga nang sobra ang mata ko at hindi ako nakatulog ng maayos... hindi nga yata ako nakatulog.



Looking at the clock and realizing I'll be late if I don't move my lazy butt right away, I cursed.



Halos mapamura ako ng malutong pagkabukas ko ng pinto. Three baskets full of white and red roses are lying on the floor outside my door. Napalingon ako sa corridor. Jonas was grinning at me while he's leaning his back against his door. 



"Jonas? Did you... did you, uhm..."



Tinaas niya yung kamay niya na para bang nagdedepensa. "Woah. It's not me. I won't be wasting dollars for flowers to get you laid." Napataas naman ako ng kilay. "Hey, hey, just kiddin'. Anyway, the gang will go out for drinks tonight." Kinindatan niya ako bago niya ako tinulungang ipasok sa loob yung mga bulaklak. "You comin' with us?"



"Sorry." I gave an apologetic smile. "I don't know if I could finish work early..."



"It's cool. Want me to give you a lift to your work?" Sumabay na siya sa akin pababa ng hagdan. Jonas has been trying to hit on me since I moved in here. Mabait siya at para siyang si Wade, pero... pero nasa pagtatrabaho ang isip ko ngayon at hindi sa pakikipag-date.



I shook a head no, like always. "You know I always walk, Jonas. Thanks for the offer."



"It's always worth a try. Have a nice day." He gave me a wink and hurried downstairs. Nahuli akong bumaba dahil nag-iingat akong hindi matapilok sa heels ko at baka mabuhay na naman ang injury ng binti ko kapag nagkataon.



Ten minutes of walk lang naman ang office ni Mrs Thompson at hindi naman gaanong kalayo. Nasanay na akong naglalakad para makatipid sa taxi fare at gustong-gusto kong makisabayan sa mga ibang taong naglalakad ng mabilis papunta sa kanila-kanilang trabaho. 



I liked how the busy streets and busy people with busy lives of Florida made me forget the things I'm thinking of and just be one of them.



"Morning, Tatiana. Here's a latte for you, sweetie." Nagulat ako noong abutan kaagad ako ni Mrs Thompson ng latte bago pa ako bumati. Mas ikinagulat ko ang pagiging maaga niya kaysa sa akin. Usually she comes five or ten minutes after me. Ngayon niya lang ako naunahan.



"G-good morning, Maam." I frowned at the cup I'm holding. "Thanks, uhm, though I should be the one to get this for you." Hindi naman na narinig ni Mrs Thompson ang huli kong sinabi noong pumasok na siya sa office niya. Napaupo ako at napahinga nang malalim.

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon