Noong naubos namin yung tig-isang bote ng alak, saka lang ako nakaramdam ng antok noong dinalaw ako ng mala-halimaw na hikab. Tumayo na ako at nagpagpag para matulog na nang maalala ko ang isang bagay.
"Sir?"
Pumasok na rin siya dala ang box ng ubos na pie at mga bote. Mabilis niyang natapon lahat 'yun at hinarap ako. Tinaasan niya ako ng kilay. "Sir? Saan... saan ka natulog kagabi?"
He cocked his head and pointed to the bed. "Sa tabi mo."
Nag-init naman ang pisngi ko sa sinagot niya. Ibig sabihin... yung mga panahon na ang sarap-sarap ng tulog kasi nakayakap ako sa prince charming ko sa panaginip... yun pala...
"Do we have a problem, Tiana?" Tanong niya tapos pinuwesto na niya yung sarili niya sa kama. Sa kama na hinigaan namin kagabi na wala akong kaalam-alam!
Napailing ako. "Wala sir ano..." Mabilis kong kinuha yung unan ko tapos yung kumot ko. "Sa sahig na lang pala ako matutulog. Bigla akong nainitan at malamig naman ang sahig kaya—"
"Tiana. Get back on the bed."
"Pero, sir—"
"Do I have to drag you back here?" Taas-kilay niyang tanong sakin. Tapos nun kinuha niya yung isang unan at pinatong niya sa gitna. "If you are so uncomfortable, then... let's make a wall." Nahiga na ulit siya. "Get back on the bed, Tiana."
I shouldn't be needing to be told many times. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at humiga sa pwesto ko. Ramdam ko yung mata ni sir sakin noong humiga ako at tinalikuran siya.
Matagal na oras ang nakalipas bago ko ma-realize na gising na gising ang diwa ko and there's no way to get sleep back to my eyes again. Kaya nagbago ako ng pwesto at hinarap yung wall na ginawa ni sir.
At nagsisi kaagad ako sa ginawa ko dahil nahagip ng mata ko ang mata ni sir na nakadilat rin at nakatingin sa akin.
Babalik sana ako sa original kong pwesto pero huli na ang lahat. "Tiana..." napapikit ako sa kamay niyang humahaplos sa pisngi ko. "I miss you."
Idinilat ko yung mata ko at sinalo ulit ang tingin niyang napakabigat at para bang may sinasabi sa akin na dapat kong gawin. "I miss you, too." Narinig ko ang sarili kong bumulong.
Agad namang tumulo yung luha ko kaya pinunas niya agad yun gamit ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)
Fiction généraleHow far will you go to satisfy your boss? Tatiana Remedios Santillan is just like a little flower in a small garden. She enjoys her life as an ordinary secretary, a loveable daughter, sister, and a friend. She likes her world with things she can eas...