HIS POVI stole another glance at her while she's busy hugging her parents right after we had the family talk. It was a good thing that the talk did not end with violence, or screaming and cursing... or another heart attack.
As a matter of fact, it was serene and calm. Her parents have been patient with me whenever I tend to talk like a businessman.
Masaya akong tinanggap kaagad ng pamilya niya ang biglaang pag-uwi ni Tiana dito sa Pilipinas. Pero mas masaya ako dahil naintindihan nila kaagad ang tungkol sa amin ni Tiana.
"Huy, Mr Poging Robot." I turned to the brown-haired girl who could look like the younger version of my beloved. "Pwedeng ngumiti. Sabi ni ate mas pogi ka raw kapag nakangiti. Bakit hindi ka ngumingiti sa harap namin? Smile..." She said as she tried to put on an awkward smile. Hindi ko siya sinagot, dahil hindi ko naman yata kailangan ipaliwanag ang sarili ko. "Hindi ka ba masaya na okay ka na sa Papa namin?"
This time I tried to ignore the fact that Tiana's sister is annoying as hell. "Of course... masaya ako. I just don't always smile like an idiot."
Crisana Milagros raised her eyebrow at me and that reminded me of her sister. Hanggang ngayon nakikipagusap pa rin siya sa magulang niya kahit na kanina pa tapos ang usapan namin.
What's taking her so long? Anong pinag-uusapan nila na dapat hindi ko marinig?
The little girl seemed to notice my impatience. "Mr Pogi, relax ka lang. Kakauwi niyo lang galing America at wala pang dalawang oras na nandito si ate." Naningkit yung mga mata niya sakin. "Hindi pa naman kayo ikakasal. Huwag mo namang nakawin yung moment namin."
I fought the urge to roll my eyes. "Iniisip ko lang kung anong pinag-uusapan nila."
"You know... siguro mga bilin lang nina Papa at Mama ang pinaguusapan nila. First boyfriend ka ng ate ko at ikaw lang ang lalaking pinakilala niya samin." Nangunot ang noo ko nung umupo siya sa tabi ko. Why is she grinning? "Alam mo ba, tibo ang ate ko."
Tumataas-baba pa ang mga kilay niya nung sinabi niya 'yon.
Nilingon ko na lang ulit si Tiana. My annoyance seemed to die down when I saw her smiling at me then turning her head again to her parents.
"Huy, narinig mo ba ko? Sabi ko tibo ang ate ko. Gusto mo ba yung mga ganung type?"
Damn it. I still have a jetlag and there's a kid who's sending me on the edge of annoyance.
"Why is your name Crisana Milagros anyway?" Hindi ko napigil ang sarili kong patulan siya. Kung ano kasing ikinatahimik at ikinapino ng kilos ni Tiana, siya namang ikinagaslaw at ikinadaldal ng kapatid niya.
Her personality reminded me of Yvonne, and I've had enough of dealing with that kind of attitude.
"Alam kong mabaho ang pangalan ko 'no." She then rolled her eyes at me. "Si ate rin naman ha, ang baho ng pangalan."
May naalala ako sa sinagot niya. "No, seriously. Bakit ganun ang pangalan ninyo?" My sweet girlfriend never had the chance of telling me the story behind their names, at ngayon ko lang naalala tanungin.
I have known and memorized every part of Tiana's body, and here I am thinking about the mystery of their names.
Umirap muna siya sa akin bago siya sumagot. "Mga pangalan 'yon ng mga lola ng lola ng lola ng lola ng lola ng lola ni Mama. Bawat bababe sa angkan nila dapat may Remedios at Milagros ang pangalan. Mabantot pero mahaba ang pinaghuhugutan. Alam ko namang labs mo si ate kaya papayag kang pangalanan ng Milagros or Remedios yung magiging anak ninyo."
BINABASA MO ANG
Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)
Художественная прозаHow far will you go to satisfy your boss? Tatiana Remedios Santillan is just like a little flower in a small garden. She enjoys her life as an ordinary secretary, a loveable daughter, sister, and a friend. She likes her world with things she can eas...