"Grabe talaga, ate! Ayoko nang maalala ulit yun! Nakakainis!"
Hindi ko alam kung paaano ko iha-handle ang sikretong sinabi sa akin ni Crisa. Kaya pala nung mga nakaraang araw kinukulit niya akong kausapin ng kami lang dalawa. Kinuwento niya kung paano siya hinalikan ng binatang kapit-bahay namin na si Alex.
Sa pisngi lang naman, pero ramdam ko pa ang init ng mukha ko sa mga detalyeng binigay niya kanina kahit na ang lamig lamig dito sa America.
"Crisana Milagros. Sure ka bang walang nakakarinig sayo sa mga sinasabi mo? Akala ko ba gusto mong secret lang ito kina Mama at Papa? Bakit ang lakas ng boses mo?"
"For the nth time, ate, oo ako lang mag-isa sa CR dito sa school!" Naririnig ko ang ngawa niya sa kabilang linya. "Ate! Hindi na ako makatulog! Hindi na nga rin ako makalabas ng hindi nagpapahatid kay Papa eh! Pwede ko naman siyang sampahan ng kaso diba? I mean, hinalikan niya ako eh! Nakakabwisit talaga siya! Dapat nandito ka ate! Umuwi ka na kasi!"
Nginitian ko yung cashier noong sinuklian niya ako ng dollars. Sa isang buwan ko dito sa America, nagpa-panic pa rin ako sa paggamit ng dollars. Binulsa ko na lang agad at nagpasyang sa apartment na lang ako magku-kwenta dahil hindi pa naman ako naso-short sa pera sa ilang araw na pag-grocery ko dito.
Dinampot ko yung paperbag ng mga binili ko at lumabas na. "Alam mo namang hindi pwede 'yon, Crisa. Breach of contract ang sina-suggest mo. Dalawang taon si ate dito." Napairap ako ng sandali para lang maiwasan ang pag-iyak.
Dalawang taon kong hindi masusubaybayan ang kapatid ko sa pagiging dalaga niya. I am dying to see them. All of them. Sobrang miss ko na sila. Pero dahil ginusto ko ito, kahit mahirap kailangan kong tapusin ang kontrata.
Matagal siyang nanahimik. "Kamusta naman ang trabaho mo bilang secretary ng kano? Mahirap? Pinapahirapan ka ba nila dyan? Sabihin mo lang ate."
"Hindi naman. May weekends off ako at mabait naman ang boss ko." Paliwanag ko habang naglalakad pabalik ng apartment. Two weeks pa lang akong nagtatrabaho bilang assistant ni Mrs Thompson na may-ari ng isa sa mga sikat na pagawaan ng honey dito sa "Kamusta naman kayo dyan?"
"Okay kami ate, pero nami-miss ka na namin ng sobra. Minsan umiiyak sina Mama at Papa pero mawawala naman yun kapag nakikipag-Skype ka na."
Nahirapan akong umakyat ng hagdan dahil ang bigat ng dala kong groceries at walang elevator ang apartment building na ito; at dahil nahihirapan akong huminga kasi naiiyak na naman ako. Isang buwan pa lang naman kasi akong nawawalay sa kanila at hindi pa ganoon kadali sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/118448467-288-k520085.jpg)
BINABASA MO ANG
Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)
General FictionHow far will you go to satisfy your boss? Tatiana Remedios Santillan is just like a little flower in a small garden. She enjoys her life as an ordinary secretary, a loveable daughter, sister, and a friend. She likes her world with things she can eas...