"What kind of joke is this?" Taas-kilay na tanong sa akin ni Tyrone noong pagpasok ko ng opisina niya para iabot yung kape niya. Pagkababa ko ng kape niya saka ko lang binasa yung hawak-hawak niyang papel.
"It's a memo, sir." Paliwanag ko. "Magkakaroon ng Halloween Party sa Sabado, sir."
"I know how to read, yes." He rolled his eyes at me. "But do we really have to do this childish thing? It's a waste of time." I watched him as he took a sip from his coffee and faced me. "Wala namang tao dito so you don't really need to call me sir."
Napangisi ako. "Yes, sir." Napailing na lang siya sa inis. "May naisip ka na kung anong susuotin mo sa Sabado, sir? It's a costume party."
Naghamunan kami ng tingin hanggang sa hinila niya ako at napaupo ako sa ibabaw niya.
"You don't really need to tease me just to seduce me, Tiana." His lips found me and it took a long moment for me to realize where we are. Tumayo na kaagad ako papalayo sa kanya.
"Sir... I mean, Tyrone..." Inayos ko yung suot kong damit. Nakakainis talaga itong lalaking ito. Ilang beses na niyang ginagawa ito simula noong bumalik kami galing Bulacan.
Everyday he has been trying to get me naked and have me on his bloody desk!
"Why? We seem to be enjoying it..." Dahan-dahan siyang tumayo at nilapitan ako. His hands travelled my arms and stayed at my waist. "It's been a week since we last—"
"Ano! Ahh... eh... pupunta ka ba sa party?" Pag-iiba ko ng tanong noong nalayuan ko siya. Naningkit yung mata niya pero hindi na siya nagtangkang lumapit ulit sakin. Thank God.
"Attending the party is like admitting that I'm childish... and I'm not."
I'm not so sure about that, sir. Gusto ko sanang sabihin kaya lang pinigil ko na lang ang sarili ko. Hindi na rin ako nagsalita at lumabas na ng office niya. Well, at least you tried asking, Tiana.
Sa dalawang taon na pagtatrabaho ko dito, ni isang party ng kumpanya wala siyang pinuntahan. Isa siya sa mga big boss, pero talagang ayaw niya lang na makihalu-bilo sa iba.
Napalingon ulit ako sa kanya at nakita ko siyang nakasimangot na naman sa mga kaharap niyang papel. How can I get him to attend? How? Napangisi ako noong may naisip akong ideya.

BINABASA MO ANG
Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)
General FictionHow far will you go to satisfy your boss? Tatiana Remedios Santillan is just like a little flower in a small garden. She enjoys her life as an ordinary secretary, a loveable daughter, sister, and a friend. She likes her world with things she can eas...