24 : The Worst Way of Denial

148 7 1
                                    


Nagkulong ako sa loob ng kwarto ko noong nakalabas na ng ospital si Papa. Gusto ko lang sanang umiyak nang umiyak para maging okay na ako kinabukasan pero katok ng katok sina Mama at Papa.



"Remedios, Anak? May bisita ka."



"Bilisan mo, anak. Nakakahiya sa bisita, kanina pa naghihintay."



Napatayo ako kaagad at nagpunas ng luha. Bakit siya pupunta dito? Anong gagawin niya? Anong gusto niyang sabihin sakin? Alam na ba niya yung tungkol sa kumakalat na usapan sa opisina?



Nawala lahat ng iniisip ko nung tumambad sa akin ang magandang ngiti ni Miss Yvonne. "Tagal naman magpaganda." She pulled me into a... hug? "Kamusta na?"



"Maam—Miss—Yvonne?" Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nahiya naman ako bigla sa suot kong shorts at sando. Naka-casual wear lang naman siya pero nakakahiya pa rin."Anong ginagawa niyo dito? Paano mo nalaman ang—"



"Please." Napairap siya at bumalik sa sofa. "Minsan lang ako humingi ng pabor sa asawa ko. Sa kanya ko nalaman ang address mo... ewan ko nga lang kung paano niya nalaman." Nagkibit-balikat siya. "Bumisita rin ako sa office ni Tyrone. Bakit ka nga pala absent?"



Hindi pa rin maliwanag sa akin kung anong ginagawa niya dito sa bahay ko. "Anong kailangan mo... Yvonne?" Napangiti siya dahil sinubukan kong tawagin lang siya sa pangalan.



"Pipilitin kasi kitang pumunta sa exhibit ko." Napaupo ako sa tabi niya. "Alam kong sinabihan ka na ng boss mo na wag akong pansinin. Pero..." Napahinga siya ng malalim. "Pero birthday ko kasi yun. I want him to attend tomorrow. Can you do it for me?"



Umiling kaagad ako. Sa sitwasyon namin ngayon, it is very impossible. "Sorry. Hindi ko mapapromise na magagawa ko." Napahinto ako saglit. "Teka, bukas na?"



Malungkot yung mata niya nung tumango siya. "Kahit ikaw na lang ang pumunta?"


---

Pinanood ko kung paano halikan ni Mr Mendez si Miss Yvonne bago niya pakawalan ang asawa niya. Halatang-halata sa kanila na sobra silang in-love. At obvious na obvious rin kung bakit ayaw ni Tyrone na pumunta dito sa exhibit niya.



Ako? Anong ginagawa ko dito? Hindi ko rin alam. 



Part pa rin ba ito ng trabaho mo, Tiana?



"Tiana!" Tawag sakin ni Miss Yvonne noong nakita niya ko. Niyakap niya ako at hinila papalapit sa isa sa mga naka-display na painting. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon. "This is the reason kung bakit gusto kong pumunta dito si Tyrone." Sabi niya habang ako nakatitig lang sa portrait ng dalawang batang naka-school uniform. "It was one of our pictures together noong Grade 6 kami. Birthday niya yan at nagpilit akong magpapicture. Binalak kong isama sa exhibit ko dahil malaking parte si Tyrone ng buhay ko."

Pamumulaklak ni Tatiana Remedios (Kalandian Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon