#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries
CHAPTER 4: PROMISE
EMBER'S POV
Lumingon ako mula sa pagkakatayo ko sa malaking bintana ng kuwarto ko nang marinig ko na bumukas ang pintuan. Nakita ko ang mayordoma ng mansyon na si Miss Asencio na nakatayo roon. Pumasok siya sa kuwarto at sinarado niya ang pintuan bago lumapit sa akin.
"Pinaghanda ko na ng almusal ang mga bisita mo."
Ginabi na ang magkapatid na Dawson kaya hinayaan ko na lang sila na magpalipas muna ng gabi rito sa bahay. Sakto naman na nakauwi na rin naman si Miss Asencio no'n kaya may nag-asikaso na sa kanila habang ako ay pumasok na sa kuwarto para magpahinga.
Walang imik na umupo ako sa harapan ng tokador at hinayaan ko siyang iladlad ang nakatali kong buhok. Hindi nagtagal ay naramdaman kong sinimulan niyang suklayan ako.
I've been taking care of myself for quite a while now, but this is still one of my favorite things. Halos malaking parte ng taon ko ay iginugugol ko sa mga kompetisyon at sa mga pagkakataon na iyon ay si Stellan ang kasama ko. It's not like I can bring Miss Asencio with me. The mansion might fall apart if both of us are not here.
"Sinabihan na nila ako tungkol sa sitwasyon mo."
I told Trace and Domino that Miss Asencio and Cristiano would go with me. The brothers didn't seem to mind, but I have a feeling that they will conduct a background check on them.
"Sigurado ka ba talaga na sa kanila mo gustong manuluyan? Bakit hindi na lang sa ama mo? Tutal matagal na rin kayong hindi nagkakasama."
"Nagkita kami no'ng mag-birthday siya last month," sabi ko.
"Magkasama sa iisang bahay ang tinutukoy ko, Ember, at alam mo iyon."
Despite the topic of conversation, I couldn't help but smile at the tone she's using. It's the only thing in my life that I could describe close to the word "motherly". Kahit pa ang tono ng salita niya ay parang pinagagalitan ako. She's old enough to be my mother. If my mother was alive, Miss Asencio would probably be just a few years younger.
"Gusto mo bang tumuloy na lang muna sa kamag-anak mo? Hindi ko alam kung gaano katagal ang imbestigasyon. You don't need to come with me," I said, changing the subject.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata na para bang alam niya ang ginagawa ko pero pagkaraan ay napailing na lang siya. "Maliit lang ang bahay ng kapatid ko. Saka hindi matutuwa ang asawa niya na makikisiksik pa ako sa kanila." Bumuntong-hininga siya. "Hindi ba talaga pwede na maiwan na lang ako rito?"
"I don't think it's safe to stay here for now." Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Pagkakataon mo na 'to na makalayo muna sa mansiyon. Malay mo, makita mo na si Mr. Right na hindi ka mahanap noon dahil nasa gitna ka ng kawalan."
BINABASA MO ANG
Dagger Series #5: Unbowed
ActionPeople call Ember Nile Calderon a lot of things. Sometimes it's the Huntress, Queen of Arrows, the Archeress, or the Lonely Wolf. Those she don't mind. After all, she's one of the most decorated archers of her time. She's a two-time defending champi...