Chapter 32: Feels

14.5K 809 199
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

CHAPTER 32: FEELS

EMBER'S POV

"And this is the last one."

Nakangiting sumandal si Trace sa malaking kahon na magkatulong nila ni Domino na ipinasok ng bahay. Sa sala ng mansyon ng Rancho Callista ay kasalukuyang nagkalat ang iba pang naglalakihang mga kahon na naglalaman ng mga gamit.

With the amount of stuff around us, you'd think I was moving back in. Except that the remaining things I'm planning to take are at the back of the pickup truck Domino brought here to the ranch. Ang iba ko pa kasing mga gamit ay nakuha na namin nang bumalik na kami sa Tagaytay pagkatapos ng mga nangyari noon habang ang natitira pa ay balak ko ng iwan dito sa mansyon para kapag naisipan kong bumisita.

Binalingan ni Trace ang ama ko na katulad namin ni Ellena ay nakaupo sa sofa at umiinom ng tsaa. "Ayaw niyo po ba talagang sa bahay na lang namin tumira, Pa? Maganda ang view ro'n tapos lagi mo pang makikita ang guwapo mong son-in-law."

Tuluyan na kasing umalis si Papa sa bahay kung saan naroon din ang madrasta ko. It turned out that my father had already bought a place in Manila without her knowing, and when he told her about the annulment, she went ballistic.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Papa sa 'bahay namin' na nabanggit ni Trace. I know my father doesn't completely agree with me living at the farmhouse, but he didn't say anything to me about it. Sa totoo lang ay pakiramdam ko ay hindi iyon dahil sa may tiwala siya sa akin at tinatanggap niya na ang katotohanan na kaya kong magdesisyon ng tama para sa sarili ko. I think even if he doesn't admit it, he trusts Trace to do right by me.

"Kung araw-araw kitang makikita, huwag na lang."

Mahinang napatawa ako at ganoon din si Domino na sumalampak ng upo sa sahig.

"At hindi pa naman ako rito titira. Ang iba ko pang mga gamit ay nasa condo ko malapit sa opisina dahil wala pa akong balak magretiro sa ngayon," pagpapatuloy ni Papa.

"Living the bachelor's life pala ho kayo. Gusto niyo gawan ko kayo ng Tinder account?" tanong ni Trace.

"Kapag hindi mo ako tinigilan, ang anak ko ang pagagawan ko ng dating account."

Mukha namang hindi apektado si Trace sa sinabi ng ama ko dahil lalo lang lumawak ang ngiti niya. "Ayie. Alam niya kung ano ang Tinder."

I swallowed down my laughter, and I bit the inside of my lower lip to hide my smile. Lalo pa nang makita kong nilingon ako ng ama ko. I could tell from my father's beleaguered expression that he was questioning my sanity for choosing Trace to be my man.

"Wala bang may balak tumulong sa amin?"

Si Coal ang siyang nagsalita na nakatayo sa paanan ng hagdanan kasama ang stepbrother ko na si Angelo. Parehas na silang pawisan at walang pang-itaas. Inaakyat kasi nila ang mga gamit ni Papa.

Dagger Series #5: UnbowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon