#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries
CHAPTER 18: UNIVERSE
EMBER'S POV
Nakakapanindig balahibo ang sigawan ng mga tao na bumalot sa malawak na outdoor event venue na kinaroroonan namin. Sa entablado ay naroon si Lia na hindi kakikitaan ng pagkapagod kahit pa kanina pa siya nag-pe-perform.
It's my first time going to a concert. I was hesitant at first since I don't really like crowded places. Sumama lang talaga ako para kay Lia dahil siya mismo ang nag-imbita sa akin. But she wasn't on the half of her first song yet when I found myself enjoying the experience.
She was so different from the person that I'd first met. Kumpara kasi kaila Lucienne ay di hamak na mas tahimik siya. There's always grace and elegance to the way she moves, and when she speaks, it's like she's speaking poetry. That's why seeing her on stage took me by surprise. She's a powerhouse when she has a microphone in her hand. Hindi lang malumanay na kanta ang kaya niyang kantahin. She could handle upbeat songs and even those that required a high range of voice. It's like she could sing anything.
"Sayang hindi nakasama sina Coal at Domino," sabi ni Lucienne. Nasa trabaho kasi ang dalawa dahil sila ang naiwan sa headquarters.
Sinundan namin ng tingin nina Mireia, Luna, at Belaya ang tinitignan ng manunulat. Di kalayuan sa amin ay may mga babae na naghahagikhikan habang napapatingin sa direksyon namin. I bet they are not looking at us. Sigurado kasi ako na ang magkakapatid na lalaking Dawson ang nakakuha ng atensyon nila.
Naniningkit ang mga matang yumakap si Mireia sa asawa niya na si Axel na pigil ang ngiting hinapit din siya palapit. "Malas lang nila."
Nag-angat ako ng tingin kay Trace nang maramdaman ko na inabot niya ang kamay ko bago niya tinanguhan si Mireia. "Oo nga. Sayang at wala ng hindi taken dito."
I should be thankful that my cheeks are already red from the heat, but I have no doubt that he took notice of how they grew more red, what with the way his eyes flashed with amusement.
Pumalatak si Lucienne na nakatingin pa rin sa gawi ng mga babae na ngayon ay nagtutulakan na. Maybe they're daring each other to approach one of the brothers. Naiiling na ikinawit ni Lucienne ang braso niya sa asawa niya. "Si Gun lang ang walang partner pero bingi at bulag lang ang maipagkakamaling hindi siya taken."
"Kung may magkamali man ay baka talunin na lang sila bigla ni Lia mula sa stage," natatawang sabi ni Belaya na nakasandal kay Pierce na kanina pa siya yakap mula sa likod.
Lia always looks and points at Gun whenever she sings one of her songs. Minsan maging ang mga cover niya basta love song iyon. Katulad ngayon kung saan kasalukuyan niyang kinakanta ang "Feel Like Makin' Love" ni Roberta Flack.
With the way she's looking at her husband, I wanted to blush even more. Pakiramdam ko ay nanonood ako ng bagay na hindi ko dapat panoorin.
When she finished the song, she put down her guitar and started walking towards us. Parang mga fan girl na nagsigawan sila Lucienne habang ako naman ay napatakip sa bibig ko habang nanlalaki ang mga mata. She really seems different when she's up there. Iyong klase ng pakiramdam na na-experience ko lang nang makilala ko sa personal ang paborito ko na archer.
BINABASA MO ANG
Dagger Series #5: Unbowed
Hành độngPeople call Ember Nile Calderon a lot of things. Sometimes it's the Huntress, Queen of Arrows, the Archeress, or the Lonely Wolf. Those she don't mind. After all, she's one of the most decorated archers of her time. She's a two-time defending champi...