Chapter 14: Shield

14.6K 795 212
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries

CHAPTER 14: SHIELD

EMBER'S POV

"Tea for the most beau-TEA-ful lady."

Nahila ako mula sa pagkatulala ko at nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang nakangiting si Trace. He's like my personal tea-fairy godmother. Kahit noong nasa Cambodia kami at may mga tsaa namang available sa hotel ay may dala siyang kahon ng paborito ko na Ahmad tea. Pati nga sa eroplano ay dala niya iyon.

Napansin niya kasi ata na may katagalan bago bumalik ang kaluluwa ko kapag hindi pa ako nakakainom ng tsaa. Minsan naman kakaharot niya sa akin ay napipilitan ang diwa ko na gumising.

Late na rin kasi kaming mga nakatulog. It was fun last night. Lalo na nang sumayaw sina Coal, Pierce, at Trace ng 'What Is Love?' na siyang pinili ni Lucienne dahil iyon daw ang proposal song ni Thorn sa kaniya.

"Iba na siya ngayon."

"Oo nga. Parang hindi niya na tayo nakikita."

Pinaningkitan ni Trace sina Lucienne at Belaya na katulad ko ay nakaupo sa outdoor porch set ng resort. They messaged me on the group chat that Trace added me to. Luna, The Beauties, and the 7 Beasts. The two women invited me to watch the sunrise.

Gising na ang mga asawa nila at kasalukuyan ng kausap si Axel na nasa opisina na. Hindi na ako magugulat kung kasama rin nila si Gun. Pero si Lia tulog pa. Huwag ko na raw hanapin dahil for sure hindi iyon pinatulog masyado ni Gun.

"Ginagawa ko pa ang sa inyo. I gave Ember hers first because unlike the two of you, her drink is the easiest, you picky munchkins."

Lucienne just stuck out her tongue, while Belaya batted her eyelashes. Trace shook his head before he went back inside.

"Kamusta naman ang naging tulog mo, Ember?" tanong ni Luciene pagkasaradong-pagkasarado ng pintuan na pinasukan ni Trace.

Napapaubong ibinaba ko ang tasa ko. "H-Ha?

"I mean... hindi ka naman nagkaroon ng allergy? May aso ka kasing kasama."

"Hindi naman ako allergic—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng halos sabay pang lumawak ang pagkakangiti ng dalawang babae. "Ano... okay naman. Hindi naman iyon ang unang beses na nakasama ko si Trace sa iisang kuwarto, and he slept on the extra matress. In Cambodia we slept on the same bed."

"Nagtabi na kayo dati?!"

Napahalakhak si Belaya habang ako naman ay muntik mapatalon sa lakas ng boses ni Lucienne. The door on the accomodation next to where we were opened. Sumilip doon ang kunot na kunot ang noo na si Thorn pero nakangiting kumaway lang sa kaniya si Lucienne na para bang sinasabi na okay lang siya.

Dagger Series #5: UnbowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon