Chapter 34: Challenge

13.8K 780 220
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

CHAPTER 34: CHALLENGE

EMBER'S POV

I can feel Coal throwing me a worried glance. Parehas kaming nakatayo sa labas ng kotse at kanina niya pa rin pinipilit gawan ng paraan na mapaandar iyon pero talagang mukhang kakailanganin na ng tulong para mapagana ang sasakyan.

We couldn't be delayed anymore. The sun will rise soon.

"Kuya Trace is calling."

Napatigil ako sa pagpabalik-balik ng lakad at nilingon ko siya. "Huwag mong sagutin."

"But—"

"Mas malayo ang panggagalingan ng mga sasakyan. Iba ang daan na 'yon at hassle pa na lumabas. Sigurado akong magpipilit ang kapatid mo na sunduin tayo. Please just send him a message and tell him that we're on our way. Tell him that I'll be there on time."

I went back to pacing. Kailangan ko ng makapunta sa venue. Sigurado akong nandoon na silang lahat at sigurado rin ako na kahit ang confidence ni Trace ay walang laban sa pag-o-overthink kapag natagalan pa ako na hindi dumating. Bakit pakiramdam ko pinapakaba talaga kami ng mundo?

Kung confidence lang naman kasi ang pag-uusapan ay hindi lang naman si Trace ang marami niyon. Our only difference is that Trace is overly confident about everything, while most of my confidence goes to archery. Maybe we're both getting played to bring us down a notch.

Muli akong natigil sa paglalakad at napatingin ako sa isang direksyon na naringgan ko ng palapit na tunog. One sounded like the roar of a motorcycle, and another was the familiar sound of hooves.

Finally.

"Tropang CR to the rescue!" Inalis ng taong nakasakay sa motor ang suot niya na helmet at nakangising kumaway sa akin ang lalaki. "Hello! I'm Ram. Belaya's most handsome brother."

I haven't met him yet. Ang nakilala ko pa lang sa mga kapatid ni Belaya ay si Cross nang pumunta kami sa ospital para bisitahin siya nang manganak siya noong September. Hindi ko na naabutan ang iba pa niyang mga kapatid dahil kinailangan kong bumalik sa farmhouse dahil may virtual meeting ako.

"Stop flirting with the bride and give me my bike, Lawrence," Coal said to the other man. "Bakit nga pala wala ka pa sa venue? Imbitado ka rin ah."

"Galing pa ako ng trabaho. Kababalik ko lang nang utusan ako ng kuting kong kapatid na kunin sa farmhouse ang cellphone niya na naiwan niya. Naabutan ko si Cristiano at nasabi niya sa akin na may problema nga." Bumaba ang binata mula sa motorbike at tinapik niya iyon. "Iniwan ko muna ang sarili kong motor sa farmhouse at dinala ko na 'tong sa'yo kesa naman walang bestman sa kasal. Susunod na lang kami ni Cristiano kapag napaandar ko na ang sasakyan."

I could ride with Coal on the motorbike, but with all the fabric of my dress, it would be really difficult.

Inabot ko ang bouquet ko kay Coal. I thanked Ram quickly before I hurriedly walked towards Cristiano, who dismounted from the gigantic, beautiful brown horse. Choc Nut lowered his head, and his intelligent eyes met mine.

Dagger Series #5: UnbowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon