Epilogue

17.1K 835 233
                                    

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS5Unbowed #EmbRace #PuppyCouple #DaggerSeries

EPILOGUE

EMBER'S POV

One year and eight months later...

"Torta—"

Napangiwi kami nina Mireia at Lucienne nang makita namin kung paanong napatiklop ang katawan ng malaking lalaki na hindi nagawang tapusin ang sasabihin.

The man's name is Daze, also known as Darien Zeon Henderson. He's a half-Filipino and half-Australian budding actor that Belaya introduced to us a couple of months ago. He has a house here in Tagaytay, and he usually frequents The Dawson's Nook, Mireia's newly opened café.

Sa harapan ng lalaki ay ang isang magandang babae na blangko ang ekspresyon sa mukha habang walang kakurap-kurap na nakatingin sa binata. She has the kind of beauty that will make any woman hold on tight to their self-esteem because she is that beautiful.

She's not only that, though. She's both beauty and brains. She's Sorcha Byrne, a twenty-four-year-old genius, an employee of Dagger, and part of the forensic team of the research department. She was also the one who just gut-punched the hell out of Daze. Which is impressive for being that small and Daze being a giant.

"If I know how to find evidence of a crime, I also know how to hide it, Henderson. Stop calling me "torta" or I'll turn you into one."

Pagkasabi niyon ay walang lingon-lingon na lumabas siya at tumawid sa kabilang panig ng kalsada kung saan naroon ang building ng Dagger.

Tumingin sa pwesto namin si Daze. "I think she likes me."

Parang nag-practice na sabay-sabay kaming nag-thumbs up na tatlo sa kaniya. Tahimik na pinanood namin siyang bumili ng inumin hanggang sa dala iyon na lumabas na rin siya ng café.

"Ganoon ba talaga ang mga artista? Ang lakas ng fighting spirit?" tanong ni Lucienne.

"Siguro. Si Belaya rin ibang level ang fighting spirit eh," sagot ni Mireia.

Lucienne and I both nodded in agreement. Kung mabibili ang fighting spirit ay siguradong pwedeng ng maging supplier si Belaya dahil hindi siya nauubusan niyon.

Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan. Mula rin kasi talaga nang magbukas ang TDN ay lagi kaming napapagawi rito. Kapag unang dalawang linggo ng buwan ay may baking class si Mireia na sinasalihan din namin ng Dawson's Wives kapag hindi kabi busy. Pero kadalasan ay talagang nagpapalipas lang kami ng oras dito.

Sabi nga ni Lucienne ay bagong tambayan daw. Lalo na siya na kulang na lang ay dito tumira dahil lagi siyang pumupunta rito para magsulat.

Maging ako ay kalimitang nagagawi rito lalo na kapag wala akong training. Na mas madalas na ngayon kesa noon. I officially halted my training since April.

Dagger Series #5: UnbowedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon