#DS5Unbowed #EmbRace #DaggerSeries
A/N: Huwag na nating ikaila na may iba riyan na iba ang naisip nang mabasa ang chapter title XD
CHAPTER 9: FAVORITE T
EMBER'S POV
I wasn't surprised when I found Trace waiting for me at the gazebo. Nitong nakaraang isang linggo ay sadiyang inuunahan niya ako sa paggising para makagawa siya ng almusal para sa aming dalawa bago ako magsimula sa pag-e-ehersisyo.
Naawa naman ako sa kaniya dahil sigurado akong gumigising na siya bago mag alas-kuwatro kaya sinabihan ko siya na ala-singko na lang ako magsisimula sa mga gawain ko para naman hindi ga'nong kaaga siya kinakailangan na bumangon. I tried convincing him that I can make my own breakfast, but of course, I didn't win that argument.
Umupo ako sa tabi niya at nakita ko ang nakahandang pagkain. Looks like we're having waffles today. May slice fruits pa iyon at syrup. "You always plate them beautifully."
"Lia's instructions," sabi niya at inabot sa akin ang tsaa ko.
"Siya ang nagturo sa'yo?"
"Sa kaniya iyong recipe. Ginawan niya rin ako ng pinterest board para may inspiration daw ako sa plating. She loves that stuff."
"But you know how to cook?" I asked.
"I do. Lahat kaming magkakapatid marunong. Isa kasi iyon sa turo ng Mama namin. Hindi raw pwedeng iasa na lang namin sa mga babae ang pagluluto."
"What a great mom."
A melancholic smile spread his lips. "She was."
Hindi ako nakapagsalita kaagad. I understand the implication of his words. "I'm sorry."
"It was a long time ago." He let out a breath while looking at the sky, where the remnants of the night were succumbing to the rising sun. "She and my father were inseparable. Maybe that's the reason why my father didn't let her be alone for a long time without him."
Even if he tries to make everything light, I can see the truth. Hindi naman kasi nakadepende sa tagal ng panahon na lumipas para masabi mong tapos ka ng masaktan kada naaalala mo ang mga taong nawala sa'yo. I barely even remember my own mother because I was too young when I lost her, and yet there are times that I can still feel the gravity of losing her.
"They sound very in love," I said to him gently.
"They were. My father was a US Army veteran, and my mother was an army doctor. They said it was love at first sight. Papa used to say that it's the gift of the Dawsons. Ganoon din daw ang tatay niya at ang lolo niya. Somehow they just know when they've found their one." Napangiti siya nang parang may naisip. "Iyon nga lang kahit malakas ang dugo ng mga Dawson sa amin ay lumalaban ang dugo ni Mama. No wonder most of my siblings try to fight it even though they know it's futile." Nilingon niya ako at sandaling naglakbay ang mga mata niya sa mukha ko. "But not me. I'm more than willing to surrender."
BINABASA MO ANG
Dagger Series #5: Unbowed
ActionPeople call Ember Nile Calderon a lot of things. Sometimes it's the Huntress, Queen of Arrows, the Archeress, or the Lonely Wolf. Those she don't mind. After all, she's one of the most decorated archers of her time. She's a two-time defending champi...