Chapter Eighteen: Battle Scar

154 8 0
                                    

Chapter Eighteen

ISAGANI GALLEGOS

Masyadong tahimik si Finnegan. Hindi ko iyon gusto.

Although almost all of the time naman talagang tahimik sya since hindi nya ako kinakausap pero iba yung dating kagabi habang kumakain kami. Hindi nya ako natatagalan na tignan ako sa mata.

Tinanong ko sya kung masama ba pakiramdam nya pero ang bilis nya sumagot ng wala. Naging matipid rin ang pagsagot nya sa mga tanong ko pero siya yung tanong ng tanong para ako yung magsalita ng magsalita.

Clearly, he was bothered but with what? I'm not sure.

Kahit nung pumasok sya sa kwarto nya para matulog na, hindi sya masyadong kumikibo. Or siguro naprapraning lang ako kasi naopen up ko sa kanya na may amnesia ako. Di niya siguro alam kung paano ito pag-usapan. Siguro marami syang tanong na hindi rin nya alam kung paano itatanong ng maayos. Well, naisip ko yon kasi ganon din naman ako sa kanya, may mga tanong ako sa kanya tungkol sa PTSD nya na hindi ko alam kung paano ko itatanong ng hindi sya maooffend.

"Gani, wait baka mabangga ka," sabi ni Froilan sa akin. Di ko namalayan na patawid na pala kami sa parking at maraming papark na sasakyan. "Anyare sa iyo? Kanina ka pa tulala ha. Okay ka lang?"

Tumango ako. "Oo, okay lang naman."

Nagpatuloy kaming naglakad papuntang CEA building. Halos nasa dulo na kami ng DBMU campus pero isa kami sa pinakamaraming population sa university. Maraming engineering at architecture students.

Nakita kami ni Jacob, kasama ang girlfriend nyang si Tina. I scanned the area just in case kasama na naman nila si Kenzo. Iba kasi ang basa ko sa taong yon kahit na kaibigan sya ni Finnegan. Nang nakita kong wala nga si Kenzo ay mas binilisan ko ang lakad papunta sa grupo. Nakipag bro fist sa akin si Jacob at kumaway lang ng hello si Tina na sinuklian ko naman ng ngiti.

"Ang aga aga pa ha pero parang problemado kayo," pag-uusisa ni Froilan sa kanila. Hindi sumagot si Jacob sa kanya pero sa akin sya tumingin.

"Is there any update don sa sinabi mong kakilala mong vocalist?"

Shotek. Oo nga pala!

Napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Sorry man, nakalimutan ko. Kausapin ko na lang kung naalala ko na."

"Ahhh, iniisip nyo pa rin kung sino pwede maging vocalist nyo?" Tanong ulit ni Froilan. Umupo sya sa bench dito sa botanical garden. Nasa gilid kami ng building at dito ang student area ng department namin. Unlike kasi sa department nila Finn na nasa loob at gitna ng building ang student area slash lobby nila, kami naman sa CEA ay nasa labas pero parang pagazebo naman ang design nito kaya safe sa tutok ng araw.

"Yep," tumango ng mabagal si Jacob saka tinitigan si Tina tapos bumalik kay Froilan. "Although may isang buwan pa naman bago mag Fellowship night kaso nga lang plano kasi namin na original composition yung kakantahin din namin para naman magamit namin yung talent ni Tina magcompose ng kanta."

Natawa lang si Tina at ipinatong nya ang kamay nya sa balikat ni Jacob. "This guy gets stressed out at everything. Sabi ko naman kasi sa kanya may mahahanap din tayo. Si Kenzo nga may nililigawan na daw na maging vocalist natin."

Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Si Jacob naman umangat ang mukha nya na parang nakarinig sya ng isang good news.

"Really? Sino daw yon?"

Umiling si Tina. "Ayaw nya sabihin kung sino eh baka daw majinx pero kilala na daw natin."

"Kabanda nyo pala si Kenzo," di ko napigilang sabihin. Hindi talaga ako komportable sa taong yon simula noong una ko syang makita. Dinala pa man ni Finnegan yon sa unit so di ko talaga sure anong pakay nya talaga kay Finn.

Goodbye, it's OkayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon