Chapter Thirteen: Eggs for Breakfast

263 13 39
                                    


Chapter Thirteen

ISAGANI GALLEGOS

Naging mababaw lang ang tulog ko sa gabing iyon. Malambot naman ang kama at komportable naman ako sa higa ko kaso nga lang ay hindi ako dinalaw ng antok agad agad. Madaming tumakbo sa isip ko, isa na dun si Finnegan. Ewan ko kung ilang tao ang may pangalan din na Finnegan pero kahit ngayon ko lang siya nakilala ay parang narinig ko na dati yung pangalang Finnegan dati eh. Parang ang pamilyar pero alam ko naman sa sarili ko na imposibleng nakita ko na siya dati kasi sa Singapore nga siya nag-aral.

'Baka narinig mo lang yung Finnegan sa mga anime na pinapanood mo, Gani.' Ang sabi ko na lang sa sarili ko. Nakatulog na din ako pagkatapos siguro ng dalawang oras na pagkakahiga at nanaginip na rin ako.

Sa panaginip ko nasa rooftop daw ako ng isang mataas na building. Gaya ng mga napapanaginip ko dati nakatali na naman ulit ang mga kamay ko at ang paa ko tas may nakabusal sa bibig ko. Madalas ko mapaginipan na ganon ang sitwasyon ko. Minsan nag-iiba ng lugar, minsan sa loob ng kotse minsan naman sa isang bodega tas minsan sa kalsada. Basta lahat ng mga panaginip kong ganon ay hindi daw ako makagalaw.

Pero ngayon naman ay nasa taas daw ako ng building. Nagpupumiglas daw ako para makalaya nang biglang may pumasok na dalawang lalakeng may buhat buhat na isang walang malay na lalake. Hindi ko makita kung sino yon kasi nakaharap sa opposite na direksyon ang mukha niya.

"Kailangan nating idistract ang mga humahabol sa atin," bulong ng isang lalake sa kasama niya. Bakas sa mukha nila yung takot. Nagtaka ako kung nakikita ba nila ako doon sa isang sulok habang pinapanood sila pero hindi na lang ako gumawa ng ingay para di talaga nila ako makita.

"Ihuhulog natin itong buhat buhat natin sa building para ito ang habulin nila at hindi tayo," sabi ng isa at tumango naman ang kasama niya. Mabagal ang paggalaw nila habang buhat buhat nila yung walang malay na lalake. Mukhang nabibigatan sila.

"Dalian ninyo!" sigaw ng isa pang lalake na kakapasok lang mula sa pintuan. Hindi ko din siya mamukhaan pero alam kong kasama siya ng mga naunang dalawang lalake kanina at hindi siya yung sinasabi nilang humahabol sa kanila.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin pero pinilit ko daw tumayo sa kinauupuan ko at sa pagkakatayo kong iyon ay biglang napigtas ang mga nakatali sa mga kamay ko. Tinanggal ko rin ang nakabusal sa bibig ko saka ako sumigaw sa kanila.

"Please huwag niyong gagawin yan!" sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit ko sinigaw iyon bilang hindi ko naman kilala ang binabalak nilang itapon pero ang alam ko lang ay dapat ko silang pigilan kasi kung hindi ay pagsisisihan ko ito.

Tumakbo ako sa direksyon ng mga dalawang lalake para pigilan ang gagawin nila. Kumaripas ako ng takbo habang dinig na dinig ko ang pagpintig ng puso ko.

"Hindi ka nila pwedeng saktan," ang sabi ko ulit. Malapit na ako sa kanila ng biglang may narinig akong pumutok na baril. Nagulat ako at tinignan kung saan galing iyon at kung sino ang nagpaputok ng baril.

Pagkalingon ko sa likod ko ay nakita kong ang pangatlong lalakeng pumasok kanina na may hawak hawak na baril. Tutok tutok pa rin niya ang baril sa direksyon ko at doon ko naramadaman na may umaagos na mainit na dugo sa may bandang dibdib ko. Pagkatingin ko ay ako pala ang binaril ng lalakeng yon. Kitang kita ko ang sugat na ginawa ng bala ng baril. Nanghina ako nang nakita ko ang isang malaking butas sa dibdib ko.

"Ihulog niyo na yan!" utos ulit ng lalakeng bumaril sa akin. Lumingon ulit ako para tignan ang gagawin nila at bago ako bumagsak sa pagkakatayo ko ay nakita kong inihulog nga nila ang lalaking walang malay sa building.

"HUWAG!"

Sumigaw ako ng magising ako mula sa tulog ko. Doon ko narealize na panaginip lang pala ang mga nangyari. Pawisan ako at malalim ang paghinga ko. Panaginip lang naman pero parang totoong nangyari. Napaupo ako sa kama ko at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko pagkatapos ay huminga ako ng malalim.

Goodbye, it's OkayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon