Chapter Three: Million Dollar Question

417 15 12
                                    


CHAPTER THREE

ISAGANI GALLEGOS

Pilit kong hinanap kung saan naupo yung kumanta kanina. Ano nga ulit pangalan non? Finiga? Ewan parang ganon yung tunog. Dalawang oras na din kami nasa party at nasa part na kami kung saan kainan na. Pero may mga tinatawag pa rin at binibigyan ng mic para magbigay ng message nila sa birthday celebrant. Yung mga ibang tao nasa bar area ng reception at yung mga iba nasa dance floor. Masaya, maingay, madaming tao kaso nga lang wala doon ang atensyon ko.

"Anak, kanina mo pa di ginagalaw pagkain mo." Puna ni mama ng mapansin nyang di ko ginagalaw ang aking pagkain.

"Kumain na kasi ako bago tayo pumunta dito," I lied. Malikot pa rin yung mata ko. Pilit na hinahanap yung apo ng may birthday. After a moment, biglang lumapit ang may birthday sa table namin. Tumayo agad si papa at binati ang dumating.

"Good evening sir Arthur! Happy birthday po." Sambit ni papa. Bumati rin ang mama ko habang napatingin sa akin ang lalake.

"Ito ba yung kinekwento mong anak mo Pike?" ngumisi si Sir Arthur. Ngumiti na lang din ako.

"Happy birthday po sir," bati ko.

"Ah, opo sir. Sya po yung nabanggit kong anak kong nakasali sa varisty dream ng Divine Spirit Academy of St. Therese." Proud na sabi ng tatay ko sa kausap namin.

Tinapik ako sa balikat ni sir Arthur. "Patanggal nga ng mascara mo. Tignan ko nga kung totoo yung sinasabi ng tatay mo hijo na mas gwapo pa rin daw papa mo kesa sa iyo."

Tumawa ng malakas ang mga magulang ko habang ako sinunod ko na lang ang sabi ng sir Arthur.

"Nako, nagsisinungaling ka naman pare eh," bungisngis ni sir Arthur. "Si Mareng Mariel naman kamukha ng bata, mas malayo naman na may itsura itong unico hijo mo kesa sayo." Nagtawanan ulit sila.

"Bale kaklase nya yung apo kong si Finnegan?"

Natigil ako. Tinignan ko si Sir Athur. So ibig sabihin nasa iisa pala kaming school nung kumanta kanina? Bakit naman parang di ko pa narinig kumanta yon sa campus? At mukhang sobrang big time nila kaya bakit hindi matunog ang pangalan non?

"Finnegan." Inuulit ulit kong sambitin sa utak ko yung pangalan. Mission ko sa gabing to makilala yon lalo't magkaschool mate lang pala kami.

Tumingin sa akin si papa para ako ang sumagot sa tanong. "Sir, mukhang hindi ko po classmate si Finnegan kasi ngayon ko lang po narinig pangalan non."

Napailing si sir Arthur. "Nako, yung batang yon napakamahiyain talaga kahit kelan. Di na ako nagulat na konti lang kakilala non at nakakakilala doon. Di kasi yon kasing kasociable di gaya ng kuya niyang si Pocholo."

"Betty! Tawagin mo nga si Finnegan!" utos ni sir Arthur sa kasama niya. "Ipapakilala ko siya sa anak ng bago kong kasosyo sa negosyo."

"Sir," sabi ni Betty. "Kanina pa siya hinahanap ni Ma'am Joana. Mukhang tumakas na naman po ang apo niyo pagkatapos ng intermission number nya."

Tumawa lang si sir Arthur. "Nako yung batang yon talaga. Sumama ata ang loob pagkatapos kong piliting kumanta para sa birthday ko. Mahiyain talagang sobra. Sabi ko kahit hayun na lang birthday gift niya sa akin eh buti pumayag."

Nagsitawan ulit sila pati sila mama at papa. Maya maya, umalis na si sir Arthur at lumipat na sya sa kabilang table. Hinawakan ako ng mama ko sa braso.

"Mukhang natuwa si sir Arthur sa iyo anak," ngiti ng mama ko. Natawa ako sa loob ko.

"Ma, pwede ba akong umikot ikot saglit? Naiinip na kasi ako."

Nagsitinginan sila mama at papa sa isa't-isa. "Sige anak basta pag nagtext ako sa iyo ibig sabihin non bumalik ka agad dito ah?" ang sabi ni papa. Tumango na lang ako at tumayo sa upuan ko.

Goodbye, it's OkayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon