Chapter Five: The Abduction

361 16 14
                                    


Chapter Five

FINNEGAN DELA TORE

"Magugustuhan ba nya to?" Tanong ko habang inaayos ni Margaret ang binili kong gym bag sa paper bag. "Baka isipin nya di man lang ako nag-effort para sa kanya kasi bumili lang ako sa mall ng ireregalo para sa championship nila?"

Margaret rolled her eyes. Nasa kwarto ko kami habang si Matthew pumunta sa baba para kunin yung pina order naming pizza. It was Saturday and we decided to hang out at our house after going to an Art Expo in Cubao.

"You've made a letter, baked some cookies, tas may gym bag ka pa," she said. "It's more than enough. Hindi naman pang Anniversary yung ibibigay mo sa kanya Finn. Nanalo lang sila sa Sports Tournament."

Umiling ako. "But you know how important this is to Gani and you know how he is passionate with basketball. Tapos winning this means a scholarship sa Don Barredos Manila University, one of the big 4 universities for UAAP."

Sakto, pumasok na si Matthew dala ang Pizza at isang bote ng rootbeer. "Merienda is served."

"Thank you Matthew," sabi ko. Ako yung nakatira sa bahay na ito pero iba nag-aasikaso ng pagkain para sa bisita.

"Babe," tawag ni Margaret kay Matthew. "Tinatanong kanina ni Finn kung okay na ba itong gym bag bilang gift sa pagkapanalo ni Gani sa basketball tournament."

Tumawa si Matthew. "Tatlong buwan na kayong nagdadate hindi mo pa ba kabisado si Isagani? Nako kahit siguro sticky note lang na may sulat na congratulations tuwang tuwa na yon."

Tumawa rin si Margaret. "Sinabi mo pa! He loves everything about Finnegan! Even the tiniest and simplest details about him."

I don't really know if it's true but Isagani is really appreciative and gives me a lot of attention. Tatlong buwan pa lang kami pero halos makabisado na nya ako. Alam nya kung ano gagawin sa akin depende sa mood or situation na meron ako. Alam na nya kung kelan ako nagagalit sa kanya kahit hindi ko sabihin. Alam rin nya paano ako pasayahin kapag malungkot ako. Higit sa lahat, alam na rin nya ang mga gusto kong bagay, pagkain, music, palabas, at kung ano ano pa.

And I was also doing my fair share. Nakikilala ko na rin siya ng lubos. Alam ko ng marami siyang kiliti sa katawan, takot siya sa daga, allergic siya sa seafoods, yung taste nya sa music is into indie folk songs, tas ang all-favorite nyang palabas ay Spirited Away.

Sa unang month, awkward pa para sa akin pero bilang easy-going na tao si Isagani napalagay na rin sya sa lifestyle ko. Ganun pa rin ang routine, hinahatid sa bahay kapag kaya pero okay lang sa akin kahit hindi lalo kapag may training siya or may pupuntahan ako. Hindi naman kami palaging magkasama sa campus because we understand we had our own social life before we started dating. Although may times pa rin na nagkakausap or nagkakasama kami sa campus. Minsan sa lunch time, after school sa may bleachers, or kapag may pinaguusapan sa may rooftop ng Asencio Building.

May separate pa rin kaming buhay although we make sure we have our quality time. For example, Monday is Halo Night so nasa kanila ako para maglaro ng PS4 niya. Wednesday is movie night at dito naman sa bahay siya tumatambay. Kapag naman Sabado, gala day namin.

Actually, dapat ngayon kasama namin siya para double date kaso nagkaemergency daw sa kanila kaya di siya nakapunta. It was okay. This is actually the first time that he failed to meet me up and I actually took the opportunity to buy a gift kasi di ko matiyempohan na pumunta sa mall ng di nagpapaalam sa kanya.

"Nga pala Finn," tawag sa akin ni Matthew. "Pati ako inunfriend na pala ni Dexter. Digitally and even personally. Inunfriend niya ako sa Facebook, unfollow sa Twitter at IG then nung Thursday, lumapit ako sa kanya para ibalik yung hiniram ko sa kanyang libro na limang buwan ang inabot ko bago ko natapos basahin. Alam mo ginawa? Di man lang ako tinignan at kinausap."

Goodbye, it's OkayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon