Chapter Six: Splints and Bandages

302 14 18
                                    

Chapter Six

FINNEGAN DELA TORE

I woke up from a nightmare. Napaginipan kong nasa madilim akong gubat at kanina pa ako takbo ng takbo para makaalis na ako doon hanggang sa nahulog ako sa isang bangin at hindi ko na maigalaw ang kamay at paa ko.

I almost screamed when I opened my eyes and that's when I remembered what happened to me. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang dalawang kamay ko sa aking likod at ang dalawa kong paa naman ay nakatali sa silyang kinauupuan ko. A piece of cloth was also tied around my mouth.

I tried to look for Isagani but he was not in the same room as me. Maliit lang ang kwartong nakapiitan ko at walang ilaw. Parang bodega ng isang factory o di kaya ng isang abandoned na building. Makalat at ang daming karton at kahoy.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Adrenaline rushed through me at pinipilit kong ikawala ang mga kamay ko sa pagkakatali pero mahigpit ito.

I can't die like this!

I was in there for thirty minutes, doing the hell I can to free myself but to no avail. Suddenly, the door of the room swung open and I saw exactly what happened next after that. May dalawang lalake na may akay akay na isa ding lalake kaso may nakatakip pang sako sa mukha niya. Nung nasa gitna na sila ng kwarto saka nila binitawan ang akay akay nila. Doon ko nakilalang si Isagani pala ang dinala nila sa kwarto.

Nagpumiglas ako nung nakita ko siya. My heart dropped and I started to panic horribly. I wanted to shout and to cry so loud but I couldn't do so because of the cloth bounded around my mouth.

"Tumigil ka diyan!" Sigaw sa akin ng isang lalake. Matanda na siya tignan pero malaki ang kanyang katawan. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil madilim sa kwarto.

"Isusunod ka namin kapag di ka tumahimik dyan!" isang sigaw pa nya at sinuntok nya ako sa labi. I felt a warm stream of liquid flowing down from my lips down to my neck.   

Tumawa ang isa pa nyang kasama bago sila umalis at sinara ulit ang pintuan.

I was trembling. Hindi ko ininda ang sakit ng suntok kanina kasi ang nasa isipan ko lang ay kung napaano si Isagani. And then I was crying. Paano kapag napuruhan siya? Paano kapag di na sya gigising? Paano kapag wala na siya? Paano? Paano?

Suddenly he moved his leg and after waking up he gasped for air. He was coughing and then he removed the sack from his head. I was trying to say Isagani pero di ko to magawa dahil sa nakabusal sa bibig ko. He turned his face towards me and I saw his face all beaten up. May black eye, sabog ang kanyang labi at pumutok na rin ang kaliwang pisngi nya. I cried even harder at the sight.

"Finnegan," he coughed as he tried his best to stand up. I was shaking my head trying to tell him to stay put and just save his energy pero di siya nagpapigil. Pinilit pa rin nya tumayo at lumapit sa akin.

"Finnegan, I am sorry." Sabi niya habang naluluha siya. "Kasalanan ko kung bakit tayo nandito."

My mind went silent. What does he mean? I was anxious and scared.

Lumuhod siya sa harapan ko para magkalevel ang aming mukha sa isat-isa dahil nakaupo nga ako. 

"Si papa, nilaglag niya ang mga boss nya sa negosyo nila. Si papa yung nahuli nga ng mga pulis kagabi. Nilantad niya sa PNP ang mga pangalan ng mga nagpapatakbo ng drug cartel. Yung mga dumukot sa atin ay sindikato ni papa, ako lang dapat dudukutin nila para makaganti kay papa."

Habang nagsasalita siya, tinatanggal rin nya ang nakatali sa bibig ko at noong wala nang pumipigil sa pagsasalita ko, pangalan niya una kong sinabi.

"Isagani," iyak ko. "Anong ginawa nila sa iyo? Bakit ang dami mong sugat at pasa?"

Goodbye, it's OkayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon