Chapter Four: Students' Night

411 19 25
                                    


Chapter Four

FINNEGAN DELA TORE

"Try mo i-adjust yang hawak mong lantern Finn!" Matthew shouted. Tinutulungan ko silang mag-ayos ng stage para sa foundation week celebration next week. Present lahat ng mga SSG officers and even the mentees but obviously, the group needed more man power kaya sumali rin ako para tumulong.

"Sige sa kanan pa konti para assymetrical yung nasa kaliwa Finn!" utos pa ni Matth. Nasa tabi ko si Dexter, siya yung taga abot ko ng thumb tacks.

"Okay na ba?" Tanong ko. "Nakakangawit yung ginagawa ko ha."

"Saglit na lang Finn," sagot ni Matthew. "Hayan sige, okay na, idikit na yan!"

Nag-abot ng thumb tacks si Dexter at nilagay ko na yung lantern. The theme for our foundation week celebration is supposed to be Harry Potter. Sa covered court naglagay na sila ng floating candles, nag-install na rin ng tarpaulins around the campus na may Harry Potter materials, sa Stage very Hogwarts na yung ambiance and designs tas may apat na rin teams na binuo para sa magkakateam for the games.

This year, the SSG decided na hindi per grade level ang magkakalaban laban kundi mixed na. Since apat lang daw kasi ang houses ng Hogwarts kaya ipupush through yon imbes na gumawa pa ng other houses. Unlike kasi yung theme last year na Hunger Games wherein may 13 districts kaya na-accommodate yung tigdadalawang sections from grade 7 to grade 12.

"So bunutan yung system para malaman mo kung saang house ka?" Tanong ni Dexter kay Lance. Nasa hallway na kami noon papunta sa classroom namin. Natapos na naming ayusin ang stage. Today was Friday at sa Monday na yung Opening Ceremony kaya aligaga lahat ng mga SSG at pati na rin kaming mga Volunteers.

"Nope. Computer-generated mangyayari. Itatally lang muna namin lahat ng mga students sa school tapos stratified sampling mangyayari para equal lahat ng bilang per house." Sagot ni Lance.

"So how will you announce the members per house?" I asked.

"Ididikit na lang sa bulletin board mamayang hapon tapos ipopost sa facebook group ng SSG mamaya namang gabi para makapag prepare ng susuotin for the opening program." Si Matthew ang sumagot.

Oh yeah. We were also told na sa isang week, isang kulay lang susuotin namin depende sa kung ano house namin. Gryffindor is Red, Slytherin is Green, Ravenclaw is Blue, and Hufflepuff is Yellow. And the SSG would also distribute wands na light stick actually ang purpose para sa student's night. Bale concert kasi yung ganap tas nag-invite ang SSG ng mga bands to play for the students' night. I was not sure how this new scheme will be but one thing's for sure. I was not excited kasi ayoko ng maraming tao.

After our class, dinikit na nga ng SSG ang announcement kung sino sino magkakasama sa mga houses. I heard na nagkukumpulan na ang mga tao doon kaya nakiusap na lang ako kay Margaret at Dexter na kung pwede hanapin pangalan ko at sabihin na lang sa akin kung saan ako nakalista. Pumayag naman sila.

"Nasa ravenclaw ka Finn," sabi sa akin ni Margaret habang naglalakad kami papuntang library. May isosoli lang kaming libro tapos uuwi na kami. "Si Dexter at si Matthew sa Hufflepuff, ako sa Slytherin kasama ko si Lance tas si Gani sa Gryffindor."

"I didn't ask kung saang house si Isagani," I raised my eyebrows.

"Gusto mo namang malaman eh," Margaret dismissed.

Well, she was right. I was curious whether magkasama kami sa iisang house or hindi. Kasi kapag nagkataon mas magkakasama kami palagi. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama it's just that I have been noticing a lot of changes habang patagal na patagal kaming nagkakasama. Iba na kasi nararamdaman ko. I was getting used to him and lately, madalas na siyang pumapasok sa isip ko unexpectedly. Kakainin ko sinabi ko kapag nagpatuloy pa ito.

Goodbye, it's OkayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon