CHAPTER 10

14 0 0
                                    

ELIANA

SA MARIVELES?

Tinapunan ko ng tingin si Lucas habang abala sa kanyang laptop.

Naalala ko ang nangyari kagabi. Sino ba si Melody? Bakit ba gano’n siya kay Lucas at gano’n si Lucas sa kanya?

Gusto kong tanungin ngunit baka isipin niya ay nangingialam ako.

But, it bothers me.

Siguro sa susunod na lang. May mas importante akong gagawin ngayon.

"Lucas." Lumingon siya sa akin. Nasilayan ko na naman ang kanyang ngiti.

"Hmmm?" sagot niya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

"Hindi ko naman maintindihan itong gagawin ko mamaya. Talaga bang isasama mo ako sa meeting?" Bigla niyang tinigil ang pagtitipa at nasa akin na ang atensyon niya ngayon.

Nasa office niya kami ngayon. Kailangan kong intindihin ang ibinigay niyang mga papel kanina.

"Alin ang hindi mo maintindihan? I will make it clear. Sorry, I'm just having a bad day." Tumingin siya sa labas ng office, napansin kong hindi siya mapakali.

"Kanina ka pa balisa. May problema ba?" nag-aalalang tanong ko. Bumuntong-hininga muna siya ng tatlong beses bago nagsalita.

"I decided to have a team building next week. As I have said, you are my secretary now, so, you need to bond with my employees." Mukhang iniiwasan niya ang tanong ko. Tumango na lamang ako bilang sagot saka itinuon ang sarili sa ginagawa.


"Saan?" Nakaramdam ako ng kaba kaya agad akong nagtanong.

"Sa Mariveles."


Agad akong natigilan.


Bakit doon pa?


"Sasama ka sa meeting ko mamaya." Pagkasabi niya no'n ay lumakas ang tibok ng puso ko hindi dahil sa kaba kundi sa excitement dahil ito ang unang  araw ko bilang secretary.

Pero hindi pa rin ako mapalagay dahil sa sinabi niya kanina. Talagang doon pa? Maraming namang isla ang pwedeng puntahan bukod sa Mariveles.


"Handa ka na?" Handa na ba ako? Tumingin ako nang may pag-aalinlangan sa kanya.

Sa puntong iyon ay nagkatitigan kami. Malalim. Tila may nais ipahiwatig.

"Just listen to me. Sa ngayon, manonood ka lang muna. Ipakikilala muna kita." Mas lumapit pa siya sa akin kasabay ng paghawak ng aking pisngi. "You can do it," nakangiting sabi ni Lucas at marahan niya itong pinisil.

Welcome party?


Nasa gano'n kaming sitwasyon nang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay halos atakihin ako sa nerbyos nang makita ko kung sino ang tumatawag.


Halos mabitawan ko ang cellphone ngunit ilang segundo lamang ang itinagal nang sagutin ko ito. Pigil hininga ko itong sinagot at isang ingay kaagad ang aking narinig.


"Hoy, Eli! Mabuti naman at sumagot ka na, saan ka ba ngayon? Dalawang araw ka nang wala at hindi man lang magparamdam, saan ka ngayon?" Kung nagkasama lang kami ngayon ay alam ko na ang itsura ni Celestine. Alam kong umuusok na ang kanyang ilong sa inis at kung kasama niya ako ay kanina pa ako binulyawan at binatukan.


She’s my friend. She’s worried about me. Worst, hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Hindi ko siya masisi kung ganito siya ngayon.



"Celestine, listen," mahinahong sabi ko. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. I took a glance at Lucas. May tanong sa kanyang mga mata ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. "I will explain everything, pagbalik ko." Narinig ko siyang sumigaw na parang nagmamaktol. Naalala kong Lunes nga pala ngayon at may pasok kami.


Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now