2

64 2 0
                                    

FLASHBACK

"Hey, love?" Sabi ni Bible at tumabi ito kay Build.

Nasa room sila ngayon at kakatapos lang nang klase nila. Nagsi uwian na din yung iba nilang kaklase.

"Where do you want to go?" At yumakap ito kay Build.

"Bat bigla kang nagyaya lumabas?"

"I just miss being with you alone". At mas hinigpitan pa ang yakap niya kay Build.

"Woy! Uwian na lovebirds. Mamaya na yang landian nasa loob pa kayo nang room oh". Pangbabasag ni Apo na ngayon ay nakatayo na sa tapat nila Build.

"Bitter ka lang talaga, Po. Wala kasing yumayakap sayo". Sigaw ni Us na nag aayos pa nang gamit.

"Halika, Po! Ako nalang yayakap sayo". At yinakap siya ni Tong. "Ang baho mo shutang ina Apo".

"Ay wow! Salamat ha".

"Sasabay ba kayo sa amin?" Sabi ni Us na ngayon ay lumapit na sa kanila.

"Hindi muna siguro, nagyaya kasi tong isa dito na lalabas daw kami". Sagot ni Build na yinayakap pa din ni Bible.

"Ah, okay! So mauuna na kami at baka makaisturbo pa kami sa labing labing niyo". At ngumisi ito kay Build. "Ble, mauna na kami". Paalam niya kay Bible at tinanguan siya lamang nito.

"Ingat kayo ha. Bababa na din kami maya-maya. May unggoy pa kasing nakadikit sa akin ee". Natawa naman sila Us.

"Bye Bui. Bye Ble". Paalam ni Tong.

"Sabihin ko lang ano, maghihiwalay din kayo". Binatukan naman siya ni Us at Tong. "Aray naman! Talagang kayong dalawa pa talaga ha". Habang hinahaplos ang kanyang batok.

"Malayo kasi sila Bui at Ble kaya kami na gumawa". Sabi ni Us habang tumatawa.

Naglakad na sila palabas nang room at nagpaalam ulit. Naiwan nalang sina Bible at Build sa room. Nakayakap pa din si Bible kay Build.

"So? Saan tayo ngayon?" Tanong ni Build.

Lumingon si Bible kay Build at nagkatitigan sila. Umayos nang upo si Bible na hindi inaalis ang titig kay Build. Unti-unting linapit niya ang kanyang mukha sa mukha ni Build. Halos ilang inch nalang ang pagitan nang kanilang mga mukha. Walang pasabi sabi ay hinalikan ni Bible sa labi si Build.

Sa gulat ni Build ay mahina niyang tinulak si Bible. "Hey! Anong ginagawa mo? Nasa room pa tayo".

"Tayo lang naman din tao ee, nakauwi na ang lahat".

"Tao ka ba?" Sabi ni Build na ikina kunot nang noo ni Bible. "Di joke lang naman love". At tumawa ito.

"Love?" Hinawakan ni Bible ang mukha ni Build. "I love you so much love".

"Ano ba nakain mo kanina at ang lambing mo ngayon? May nagawa ka sigurong mali ano?"

"Wala. I just wanna say how much I love you". Hindi na pinagsalita ni Bible si Build at ginawaran niya na ito nang halik muli sa labi. At sa pagkakataong ito ay tumugon naman si Build sa halik.

Ilang minuto din silang naghahalikan na tila parang wala nang bukas. Humiwalay si Build habang naghahabol nang kanyang hininga. At siya naman ang humawak sa mukha ni Bible.

"I love you more than words can tell love". At hinalikan ni Build sa noo si Bible. "Let's go! Diba magde-date pa tayo". Ngumit ito at nginitian din siya ni Bible.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now