*Build's POV
Andito ako ngayon sa loob nang room ni Bible. Hindi pa din siya gumigising simula kanina. Lumapit ako at umupo sa silyang katabi nang higaan niya. Inabot ko ang kanyang kamay at hinawakan ito. Dinikit ko ito sa aking mukha.
"Bibs? Gumising kana please. Andito na ako. Hindi na kita iiwan. Sasamahan kitang lumaban sa pagsubok nato". Hindi ko namalayan na unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko. "Miss na miss na kita love. Sinabi na sa akin lahat ni Jeff ang totoo. Wag ka sanang magalit sa kanya ha. Alam mo ba na mas masakit nung nalaman ko lahat. Ang sakit isipin na sinakripisyo mo lahat para sa akin. Love sasamahan naman kitang lumaban ee kung sinabi mo lang sa akin. Diba nga love madami ka pang gustong gawin at puntahan. Kaya love gumising kana diyan oh". Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako.
Ilang segundo lang ay naramdaman kung humigpit ang hawak ni Bible sa kamay ko. Tumingala ako sa kanya at nakitang gising na siya. Tatayo na sana ako para tawagin ang doctor niya pero pinigilan niya ako.
"Bui? Ikaw ba talaga yan?" Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang mukha ko. Pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mga mata ko. "Diba ako nananaginip?" Hindi pa din siya makapaniwala.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko. "Hindi to panaginip Bibs, totoo lahat nang to".
Bumangon siya at nagulat ako kaya inalalayan ko siya. Umupo siya at sumandal. Umupo naman ako sa gilid nang hinihigaan niya at humarap sa kanya.
"Why are you here Bui?" Tanong niya.
Hinawakan ko ulit ang kamay niya. "Nagalala ako kanina kaya napag isipan namin nila Tong na sumunod dito sa hospital. Nung nakita kami ni Jeff, nakipag usap siya sa akin. Sinabi niya na sa akin lahat. Wag ka sanang magalit sa kanya kasi sabi niya nangako siya sayo na hinding-hindi niya sasabihin sa akin".
"Galit ka ba sa akin Bui?" Hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko.
"Oo galit ako sayo, galit na galit. Pero nung nalaman ko lahat may karapatan pa ba akong magalit?"
"Oo kasi tinago ko sayo lahat".
"Naiintindihan ko naman din yung side mo Bibs kaya mo ginawa lahat nang yun. Pero kung sinabi mo lang sana sa akin, edi sana magkasama nating hinarap ang pagsubok nato".
"Ayoko lang din maging pabigat sayo Bui. Ayokong mag alala ka sa kalagayan ko".
"Bibs listen, never kang naging pabigat sa akin. Kung ano mang pagsubok kaya natin lampasan nang magkasama diba".
"Pero Bui, sabi nang doctor di na din ako magtatagal. Maiiwan at maiiwan pa din kita. Kaya ko ginawa nang lahat nang yun kasi ayokong makita kang umiiyak".
"Bibs hind mangyayari yun okay? Malalampasan natin to nang magkasama. Simula ngayon hahawakan ko nang mahigpit ang kamay mo. Hinding-hindi kita iiwan sa pagsubok nato". Hindi ko napigilan ang sarili ko at humagulgol ulit ako sa pag iyak.
Hinatak ako ni Bible para yakapin ako nang mahigpit. "Shhhhhh, tahan na Bui. Ayokong nakikita kang umiiyak. Lalaban ako okay". Hinawakan niya nang magkabilang kamay ang mukha ko. "Lalaban ako para sayo". Hinalikan niya ang noo ko.
"Diba sabi mo madami kang gusto gawin at puntahan? What if gawin at puntahan natin yan lahat? Sembreak naman natin next week ee". Eksayted kong sabi habang nakangiti.
Nakita kong ngumit din siya. "I miss those smiles so much".
"Yung smile lang?" Nag pout naman ako.
"Syempre mas namiss kita". Yinakap niya ulit ako nang mahigpit. "I miss you so much love".
Yumakap din ako nang mahigpit sa kanya. "I miss you more love".
Ilang minuto lang ay bumitaw siya sa pagkakayakap at tinitigan lang ako. Hinawakan niya ang mukha ko at unti-unti niyang linalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinalikan niya ako, at sa halik na yun damang-dama ko kung gaanu niya ako namiss. At ganun din ako, tumugon ako sa halik niya.
"Bui, may da-". Nagulat ako nang marinig magsalita si Apo. Sa gulat ko ay naitulak ko si Bible sanhi nang pagtama nang likod niya sa sandalan nang higaan.
"Shit Bui". Habang hinihimas niya ang kanyang likod na tumama.
"S-sorry Bibs, saan ba yung masakit? Nagulat lang kasi ako". At hinimas ko din yung likod niya.
"Ehem? Anong nangyayari? Bat may pa ganun pag pasok namin ha?" Pagtatanong ni Apo. Kasama din nila si Jeff na ngayon ay nakangiti lang.
"W-wala, isipin niyo nalang na wala kayong nakita". Feeling ko ang pula na nang mukha ko ngayon, di dahil sa ginawa namin ni Bible kundi dahil sa hiya na nakita kami nila Apo na naghahalikan.
"You're really cute when blushing". Panunukso ni Bible sa akin. Mahina ko namang hinampas ang balikat niya at natawa lang siya.
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...