Nakauwi na sila sa condo ni Build at napag isipan ni Bible na dun na din matulog dahil gabi na.
"Did you enjoy our date love?" Tanong ni Bible na ngayong ay yakap-yakap si Build habang nakahiga sila.
"Oo naman, syempre ikaw yung kasama ko ee". Tumingin siya kay Bible at ngumiti.
"Love?" Habang marahan na hinihimas ni Bible ang buhok ni Build.
"Hmmm?" Yan lang ang naisagot ni Build dahil dinadalaw na siya nang antok at dala na din nang pagod sa lakad nila kanina.
"J-just...... Nothing. Go to sleep na. I know napagod ka sa lakad natin at maaga pa tayo papasok bukas. Goodnight love". At hinalikan niya ang noo ni Build. "I love you!"
"Goodnight din love. I love you more". At mas isiniksik ni Build ang sarili sa pagkakayakap ni Bible.
Tinitignan lang ni Bible ang mahimbing na natutulog niyang boyfriend habang marahan pa ding hinihipo ang buhok nito.
"Sana mahanap mo ang taong magpapasaya at makakasama mo habang buhay. Ayoko man gawin pero kailangan para hindi ka lubos na masaktan pagdating nang araw". Hindi namalayan ni Bible na tumutulo na pala ang mga luha niya. "I hope you don't lose your smiles. I want to see it until the last day of my life. I love you so much Bui. I will love you and only you forever". Mahina niyang sinabi ang lahat at hinalikan ang noo ni Build. Hinigpitan niya nag pagkakayakap kay Build at ipinikit na din ang kanyang mga mata.
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...