5 days later
*Build's POV
Andito na kami sa bahay ni Bible. Ngayon ang araw na pupunta kami sa beach na pinagplanuhan namin. Eksayted ang lahat lalo na ako kasi makakasama ko si Bible. Alam ko baka ito na ang huli na makakasama ko siya pero hindi ko iniisip kasi ayoko mag alala siya. Aalis kami para maging masaya si Bible.
Pumasok ako sa kwarto niya. "Love? Ready kana ba?"
"Yes love, aalis na ba tayo?" Tumango naman ako.
Yumakap ako sa kanya. "Let's make this more memorable". At ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya at hinalikan ang noo ko.
"Let's go. Baka naghihintay na din sila mama sa baba".
Dinala na namin ang mga luggage namin. Pagbaba namin ay nakahanda na din sila tita. Sumama din sila Apo, Tong, Us at Jeff. Lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan. Si tito ang nag dadrive ngayon.
Ilang oras din ang biyahe namin at natulog lang kami. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Bible at pinatong niya din ang ulo niya sa ulo ko habang magkahawak ang kamay namin.
"Kahit ba sa pagtulog dapat magkahawak ang kamay?" Rinig kong sabi ni Apo. Kakagising ko lang din pero di muna ako gumalaw kasi alam ko mahimbing ang tulog ni Bible.
"Bitter ka lang talaga Apo. Bakit kasi di kana maghanap nang jowa para manahimik ka". Sabi ni Us.
"Nagsalita din yung single ee. Akala mo naman may jowa depungal ka".
"Pano mo nasabi? Di ka naman sure aa. Sino nagsabing single ako?" Narinig kong sumigaw si Apo.
"SHUTANG INA!" Binatukan naman siya ni Tong na katabi niya. "Aray naman Tong, nakakailang batok ka na ha".
"Ang ingay mo kasi, tulog si Bible tsaka si Build oh. Mahiya ka din kina tita at tito jusmeeee. Tita, Tito pagpasensyahan niyo na po kaibigan namin, di ata to nakainom nang gamot niya". Hinampas naman siya ni Apo sa balikat.
"Grabeh ka Tong, hindi naman ako baliw gaga ka". Narinig ko nalang na nagtawanan sila.
Naramdaman kong gumalaw si Bible. Inalis niya ang ulo niya na nakapatong sa ulo ko. "Nagising ka ba sa ingay nila Apo? Pagpasensyahan mo na, alam mo naman kahit saan ilagay si Apo sobrang ingay".
"Okay lang, matagal naman din akong nakatulog. Kakagising mo lang din ba?"
"Kanina pa ako gising, ang himbing kasi nang tulog mo kaya di muna ako gumalaw".
Binato ni Us mula sa likod si Apo nang maliit na papel. "Tignan mo na sa ingay mong depungal ka, nagising tuloy sina Bible at Build".
"Oo na kasalanan ko na. Porket may jowa kanang bakla ka".
"Nga pala Us, bat di mo kinukuwento sa amin na may jowa kana pala?" Lumingon ako sa pwesto niya. "FO na ba kasi di mo man lang kami inupdate". Nagpout ako.
Binato niya din ako nang papel. "Isa ka pa, wag kang mag pout diyan kasi di bagay sayo. Para kang isda sa aquarium. Tsaka di naman kayo nagtatanong ee, busy ka din sa bebe lablab mo. Mamaya ko na ikukwento sa inyo pag nakarating na tayo sa destinasyon natin".
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Bible sa kamay ko kaya liningon ko siya. Paglingon ko nakita ko siyang nakahawak sa tagiliran niya at namimilipit sa sakit. "Love? Okay ka lang ba? Gusto mo huminto muna tayo? Sasabihan ko sina tita baka may madaanan tayong hospital". Taranta kong sabi.
"Love, okay lang ako. Kumalma ka lang diyan. Medyo kumirot lang tagiliran ko, mawawala lang din to. Don't worry okay?". Hinalikan niya ang kamay ko para pakalmahin ako. At tumango lang ako sa kanya pero di pa din mawala ang kaba na nararamdaman ko.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita kong di na siya nakahawak sa tagiliran niya at di na siya namimilipit sa sakit. "Hindi na ba masakit?" Tanong ko at umiling siya.
Nakarating na din kami sa resort. Bumaba na kaming lahat at bumungad sa amin ang magandang view kahit na nasa labas palang kami. Malamig ang simoy nang hangin at nakaka relax ito. Binaba na namin lahat nang gamit at pumasok na kami. Maganda at malaki ang resort, matagal na namin gustong magpunta ni Bible dito kaya ito ang napili kong puntahan. Nagpunta na kami sa kanya-kanya naming room. Magka room kami ni Bible, sina tita at tito, sina Apo at Jeff, at sina Tong naman at Us. Inayos ko na ang mga gamit namin at si Bible naman ay lumabas sa maliit na balcony nang room namin. Tanaw dito ang malawak na dagat.
Nang matapos na ako sa pag aayos ay lumapit ako sa kanya at yumakap ako mula sa likod niya. "Ang ganda love no? Pangarap lang natin na magpunta dito. Andito na din tayo ngayon".
Hinawakan niya ang kamay ko na nakayakap sa kanya. "I remember nga ee na nagmamaktol ka that time kasi gusto mo magpunta dito pero biglang nag announce yung teacher natin na may exam tayo kaya di tayo pwede gumala kasi mag rereview tayo". Inalis niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at humarap siya sa akin. "Thank you love for fulfilling this one". At ngumiti siya sa akin.
"Diba sabi ko sayo pupuntahan natin ang gusto mong puntahan at gagawin natin ang gusto mong gawin". Sabi ko sa kanya. "Let's fulfill all of that together". At nginitian ko siya.
Gaya nang sabi ko ginawa namin lahat nang gusto niyang gawin pero yung mga gawain na hindi siya mapapagod gaya nang beach walk na magkahawak yung kamay namin. Gumawa din kami nang sand castle. Naglaro kami nang volleyball pero nakatingin lang sa amin si Bible. Kita ko sa mga mata niya ang saya. Ang tawa niya na matagal ko nang hindi narinig. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita siyang masaya.
Lumalim na ang gabi at andito kami ngayon sa tabi nang dagat. Gumawa sila Tong nang bonfire na magsisilbing ilaw namin. Nagkuwentuhan muna kami at ilang saglit lang ay nauna na silang bumalik sa mga room nila. Kami nalang ni Bible ang naiwan dito. Nakaharap kami sa dagat at hinahayaang humampas sa amin ang hangin. Magkahawak ang kamay namin at pinatong ni Bible ang ulo niya sa balikat ko.
"Thank you so much again love". Hinihimas niya ang kamay ko habang magkahawak kami. "Isa to sa mga pinaka memorable na nangyari sa buhay ko kasi nakasama ko kayo, nakasama kita. Akala ko mawawala ako sa mundong to na hindi kita makakasama ulit. Kaya labis ang saya ko na sabay natin natupad yung pangarap natin na makapunta dito".
"Para sayo love gagawin ko lahat, gagawin ko lahat makita ko lang na masaya. And please love kahit ngayon lang wag mo na natin pag usapan yung about sa sakit mo. Nagpunta tayo dito para mag enjoy diba".
Inalis niya ang ulo niya sa pagkakapatong sa balikat ko at humarap sa akin. "Makasama lang kita araw-araw Bui, masaya na ako. Makasama ko lang kayo, sapat na sa akin yun". Hinalikan niya ako. "I love you so much love".
"I love you more love". At ako naman ang nagpatong nang ulo ko sa balikat niya at pinatong niya din ang ulo niya sa ulo ko habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay namin. Ilang minuto din kami sa posisyon namin at nang nakaramdam na nang antok ay napag isipan na namin bumalik sa room namin.
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...