3 days later
Nagtaka si Build dahil tatlong araw na siyang di pinapansin ni Bible simula nung dun ito natulog sa condo niya. Pagka gising niya kinaumagahan ay wala na si Bible sa tabi niya. Akalan niya may kinuha lang ito sa bahay niya o di kaya may emergency at hindi nalang inabala ang tulog niya.
Ngunit nang pumasok siya nang araw na iyon ay di na siya pinansin ni Bible. Kahit anong text at paglapit niya para makausap ito ay binabalewala lang siya. Di na niya pinilit at baka may malalim na iniisip ito.
Pero tatlong araw na ang lumipas at nag aalala na siya. Nagulat nalang ito nang kinalabit siya ni Apo na ngayon ay nasa tabi niya na nakaupo. "Di pa din ba kayo okay ni Bible? Ilang araw na kayong di nagkikibuan ee. Naninibago ako na hindi kayo naglalandian. Ano ba kasi pinag awayan niyo?"
"Di ko din alam Po ee. Bigla niya lang talaga akong di pinansin at di ako rinereplyan kahit sa phone call di ako sinasagot".
"Gusto mo ako na kakausap para mapag usapan niyo kung ano man problema niyo?"
Umiling lang si Build. "Wag na Po, baka di pa siya ready pag usapan kung ano man yung problema".
Nakita ni Build na tumingin si Bible sa phone nito at biglang lumabas nang room. Tumayo naman agad si Build sa kinauupuan niya.
"Wait, Po. Susundan ko lang si Bible baka pagkakataon ko na maka usap siya". Tinanguan naman siya ni Apo.
Lumabas si Build at hinanap kung saan nagpunta si Bible. Nakababa na siya sa ground floor at mang mapadaan siya sa cr ay may narinig siyang nag uusap at kilalang kilala niya ang boses na yun. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at sumilip dito. Nakabukas lang pinto kaya masisilip lang niya kung sino ang nasa loob. Hindi nga siya nagkamali at si Bible ang nasa loob at kausap nito si Jeff, studyante sa katabi nilang room na may crush kay Bible. Nagulat nalang si Build sa susunod na nangyari, hinalikan ni Bible si Jeff. Di namalayan ni Build na tumulo na ang luha niya at dahan-dahan siyang lumapit kina Bible.
"A-anong ibig sabihin nito Bible?" Nangingiyak niyang sabi.
Tinigil nila Bible ang ginagawa at dahan-dahan itong humarap kay Build.
"Sabihin mo Bible, hindi totoo yung nakita ko?" Hindi siya sinagot ni Bible. "Bible sumagot ka?"
"Build, kung ano man ang nakikita mo ay totoo".
"B-bakit? Bakit mo siya hinahalikan? Siya ba yung rason kung bakit di mo ako kinakausap?" Humihikbi na ito sa pag iyak. "Bible, sabihin mo anong ibig sabihin nito?"
"Look Bui, di pa ba sapat na sagot yung nakita mo? Di pa ba sapat yun na rason na ayoko na sayo. Di na kita mahal".
Mas lalong bumuhos ang luha ni Build sa narinig. "A-anong pinagsasabi mo Bible? Anong pinakain sayo nang Jeff na yan".
"Bingi ka ba Bui? Gusto mo bang uulit ulitin ko na hindi na kita mahal".
At isang malakas na sampal ang ginawad ni Build sa mukha ni Bible. "So lahat lang pala nang ginawa mo nung nag date tayo ay wala lang sayo? Ako lang pala nag enjoy sa panahong yon? Kaya mo ba ako linabas that time kasi may balak ka nang iwan ako? Bible sana sinabi mo kung ayaw mo na, hindi yung ganito. Maiintindihan ko naman sana ee, kaysa makikita ko nalang may hinahalikan kang iba habang tayo pa. Ang sakit Bible, sobrang sakit".
"Build mawawala din yang sakit. Malilimutan mo din ang lahat".
"Sa tingin mo ganun lang kadali yun Bible? Sa dami nang pinagdaanan natin, sa tingin mo ganun ganun lang? Sabagay may nahanap kanang iba kaya ang dali mo lang sabihin yan. Paano ako? Paano ako Bible?". Pinahid ni Build ang mga luha niya na kanina pa ayaw tumigil sa pagtulo. "Hindi ko na kayo aabalahin pa sa moment niyo. Pasensya din ha kung naistorbo ko pa kayo. Salamat nalang sa lahat Bible, salamat". Tumalikod na ito at naglakad palabas nang cr.
Habang paakyat nang hagdan ay hawak-hawak ni Build ang kanyang dibdib dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Umiiyak lang siya habang paakyat sa hagdan pabalik sa kanilang room. Nang malapit na siya sa 4th floor ay napa upo sa kilid nang hagdan at mas lalong umiyak. Sakto naman na pababa na sana ang mga kaibigan niya nang makitang nakaupo siya dito na umiiyak.
"Hey Bui! Anong nangyari? Bat ka umiiyak?" Pag alalang tanong ni Tong.
"Ang sakit, sobrang sakit. Ang dali niya lang ipagpalit ang dalawang taon na pinagsamahan namin".
"A-anong ibig mong sabihin Bui?" Tanong ni Apo na tumabi kay Build.
"Wala na kami, break na kami. Nahuli ko siya kanina may hinahalikan yung Jeff na matagal nang may gusto sa kanya". At hindi na napigilan ni Build ang sarili. Umiyak siya lalo habang iniisip ang nangyari kanina. Yinakap naman siya ni Apo at hinihimas ang likod.
"Lokong Bible pala yun ee. Nakipaglandian na nga sa iba taga kabilang room lang din". Galit na sabi ni Us.
"Shhhh! Tahan na Bui, buti nalang at nahuli mo habang maaga pa. Kaysa sa natagalan pa at mas lalo ka lang masasaktan". Hinihimas na din ni Tong ang likod ni Build. "Maybe you're just not meant for each other kaya nangyayari to. Don't worry andito lang kami always para sayo ha". At yinakap na ni Tong si Build. Yumakap na din si Us at kinomfort nila ang kaibigan.
-END OF FLASHBACK-
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...