Kinabukasan ay pinalabas na si Bible nang doctor niya sa hospital. Binigyan lang siya nito nang mga gamot na iinumin niya araw-araw. Sinundo na sila nang driver at sumakay na sila sa sasakyan. Tahimik lang sila habang nasa biyahe, nakatulog din si Bible habang nakasandal sa balikat ni Build.
Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay ni Bible. Bumaba na sila at ibinaba na din nila ang iba pang mga gamit. Dumiretso sila Bible at Build sa kwarto ni Bible dahil gusto nitong matulog. Nagpunta naman sa kusina si Jeff para maghanda nang pagkain.
Nakarating na sila sa kwarto ni Bible. Humiga si Bible sa higaan niya at hinatak din si Build para humiga. Yinakap niya ito nang mahigpit. Yinakap din siya pabalik ni Build.
"Dito ka lang ha, wag kang aalis. Baka paggising ko wala kana sa tabi ko".
"Dito lang ako, wag kang mag alala hindi kita iiwan okay? Matulog kana para makapagpahinga kana". At hinaplos ni Build ang buhok ni Bible.
Nang mahimbing na ang tulog ni Bible ay dahan-dahan niyang inalis ang kamay nito sa pagkakayakap sa kanya. Hindi siya aalis, gusto niya lang tumulong sa kusina sa paghahanda nang makakain. At nang tuluyan nang nakabangon ay inayos ni Build ang kumot ni Bible. Hinalikan niya ito sa noo at lumabas na nang kwarto. Nang makababa na siya nang hagdan ay dumiretso siya sa kusina na kasulukuyang nagluluto si Jeff.
"Magaling ka pala magluto?" At tumabi ito kay Jeff.
Tumango naman si Jeff. "Natutunan ko lang din ang pagluluto mula sa lola ko". Tumingin siya kay Build. "Tulog si Bible?"
"Tulog na tulog, napagod ata sa biyahe". Sagot ni Build. "Nga pala Jeff, magpapatulong sana ako. Kung okay lang sayo?"
"Bakit naman hindi, ano ba yun?"
"Diba sembreak naman natin nextweek. Gusto ko sanang ipasyal si Bible at gawin ang gusto niyang gawin. Yung mga hindi lang siya masobraan sa pagod".
"Oo naman syempre. Mahal na mahal mo talaga si Bible no. Gagawin mo talaga lahat para sa kanya". Sabi ni Jeff na ibinalik ang tuon sa ginagawa.
"Di ko nga din alam kung bakit hulog na hulog ako sa mokong na yun ee". Natawa si Jeff sa sinabi niya. "Para kay Bible gagawin ko talaga lahat. Gusto ko lang din bumawi sa halos limang buwan na wala ako sa tabi niya". Tumingin siya kay Jeff. "Jeff? Salamat nang marami ha. Salamat kasi hindi mo iniwan si Bible. Salamat sa lahat nang sinacrifice mo para sa kanya. At sorry na din kasi...."
Huminto si Jeff sa ginagawa at tumingin kay Build. "Ginawa ko lang kung ano ang dapat Build. Kailangan ni Bible nang taong masasandalan kaya sinamahan ko siya. Oo mas lalo akong nahulog sa kanya sa limang buwan na ako ang nag alaga sa kanya. Nakita ko din kung gaano katigas ang ulo niya. Nakita ko kung paano siya umiyak gabi-gabi kasi namimiss kana niya. Nasasaktan ako kasi andito naman sana ako ee, pwde niya naman akong mahalin. Pero hindi ee, hinding-hindi mapapalitan ang isang Build Jakapan sa puso niya. Tanggap ko matagal na hanggang kaibigan lang talaga ako. Wag kang magsosorry kasi wala ka namang ginawang mali Build. Di mo kasalanan kung bakit hindi ako kayang mahalin ni Bible. Sadyang mahal na mahal niyo lang ang isa't isa na hindi niyo kayang magmahal nang iba". At ngumiti ito kay Build.
Napangiti din si Build. "So? Ano maitutulong ko? Baka saan pa mapunta to kadramahan natin ee". At nagtawanan naman sila.
Ilang minuto lang ay nagulat sila nang marinig na sumisigaw si Bible. Nagtinginan silang dalawa at dali-daling lumabas sa kusina.
"BUI? BUILD? BUILD!" Sigaw ni Bible habang pababa nang hagdan. Hindi na maipinta ang kaba niya ngayon dahil paggising niya ay wala na si Build sa tabi niya.
Pagbaba niya nang hagdan ay sinalubong siya nila Build at Jeff na nag aalala. "Bibs? What happened? May masakit ba sayo?" Pag aalalang tanong ni Build.
Natigil saglit si Bible. Tumakbo ito papunta kay Build at yinakap ito nang mahigpit. "Akala ko iniwan mo na ako Bui. Akala ko umalis kana kasi wala ka sa tabi ko paggising ko. Natakot ako Bui". Mas hinigpitan nito ang pagkakayakap.
Tumugon naman si Build sa yakap. "Shhhh! Andito lang naman ako Bibs. Diba sabi ko sayo hindi kita iiwan. Bumaba lang ako para tulungan si Jeff". Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ni Bible. "Hindi ako aalis Bibs, dito lang ako okay?" At bigla siyang hinalikan ni Bible sa labi.
"Ehem?" Humiwalay si Build sa halik. Nakalimutan ata nilang andyan si Jeff. "Sakto at bumaba kana Ble, kumain na tayo para mainom mo na din mga gamot mo". Pagyaya ni Jeff at nauna nang pumunta sa kainan.
Hinawakan ni Build ang kamay ni Bible at ngumiti. "Let's go kain na tayo love". At ngumit naman pabalik si Bible.
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...