7

22 0 0
                                    

*Jeff's POV

Alam ko wala akong karapatan na magsabi kay Build sa lahat. Oo nangako ako kay Bible na hinding-hindi ko sasabihin ang totoo. Pero ayoko na, ayokong nakikita siyang nahihirapan at nasasaktan. Kailangan niya si Build ngayon, kailangan niya ang taong tunay na minamahal niya.

Aaminin ko matagal na akong may gusto kay Bible kahit alam kong may boyfriend siya at si Build yun. Pero niminsan di ko napag isipan na agawin siya kay Build. Sapat na sa akin yung nakikita ko siya sa malayo. Nakikita ko lang siya na masaya, masaya na din ako. Nalaman lang ni Bible na may gusto ako sa kanya kasi sinabi nang kaklase ko. Akala ko magagalit siya o ano pero dedma niya lang. Akala ko din magagalit sa akin si Build kasi baka isipin niya aagawin ko si Bible pero hindi rin ee. Nginingitian niya ako pag nagkakasalubong kami sa hallway. Kaya nung sinabi sa akin ni Bible na may sakit siya at kung ano ang plano niya ay nagdadalawang isip ako nung una pero nagmamakaawa na siya sa akin kaya hindi ko natiis. Iniisip ko na ito na yung chance ko na mapakita sa kanya kung gaano ko siya ka gusto. Pero simula nung nahuli kami ni Build sa cr, di na ako tinantanan na konsensya ko sa ginawa namin. Kitang-kita ko kung gaano nasaktan si Build, gaano siya umiyak sa nakita niya.

Kapalit nung pagtulong ko kay Bible ay pinayagan niya ako na ang mag alaga sa kanya. Mabait naman si Bible sa akin, pero alam ko na ang pagiging mabait niya sa akin ay hanggang pagkakaibigan lang. Alam kong di mapapalitan sa puso niya si Build.

-Short Flashback-
3 months na ang nakalipas simula nung naghiwalay sina Bible at Build. Andito ako ngayon sa bahay niya para alagaan siya. Bumalik na din kasi sa US ang parents niya para sa business nila at binilin na alagaan ko daw nang mabuti si Bible. Ayaw man nilang umalis pero kinakailangan.

Nakita ko si Bible na nakaupo sa sala hawak-hawak ang mga polaroid pictures nila ni Build. "Bakit ayaw mo siyang balikan? Maiintindihan ka naman siguro ni Build kung bakit mo ginawa yun diba?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Para saan pa kung babalik ako sa kanya, ayoko na siyang masaktan pa kapag dadating na yung araw na maglalaho na ako sa mundong to. Ayoko siyang nakikitang umiiyak".

"Ble?" Napatingin naman ito sa akin. "Wag mo sanang mamasamain yung tanong ko ha. Pero kung magmahal ka kaya ulit?"

Napangiti naman siya. "Hindi na ata mangyayari yun Jeff kasi linamon na ni Build yung puso ko. Tsaka pinangako ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko hanggang sa mamatay ako". At tumingin siya ulit sa akin. "Sorry Jeff ha kasi hindi ko masusuklian ang pagmamahal na nararamdaman mo sa akin, i know it's so unfair. Alam ko binigay mo na lahat at naaapreciate ko yun lahat pero hindi ko talaga kaya na magmahal nang iba. Tanging si Build lang ang laman nito. Hindi ko kayang maisukli ang nais mo kapalit lahat nang tulong mo sa akin. I'm really sorry Jeff".

Ngumiti ako sa kanya. "Ano ka ba Ble, hindi ko naman ipinipilit na mahalin mo din ako ee. Masaya ako na nakatulong ako sayo. Sapat na sa akin na inaalagaan kita, nakakasama ka araw-araw. Sa simula palang Ble, alam ko na hinding-hindi mo ako mamahalin at hanggang pagkakaibigan lang ang lahat. Kita ko naman kasi kung gaano mo siya kamahal. Kaya wag kang mag sorry kasi naiintindihan ko, desisyon ko to na tulungan at alagaan ka".

"Salamat nang marami Jeff, sana mahanap mo na din yung tao na deserve para sayo". Ngumiti siya at ibinalik niya ang tingin niya sa mga litrato nila ni Build.

-end of flashback-

Bumalik na kami ni Build sa room ni Bible, andun sa loob ang mga kaibigan niya nagbabantay.

"Hindi pa din ba siya nagigising?" Tanong ni Build.

Umiling naman ang mga kaibigan niya. Nakita ko sa mukha ni Build ang labis na pag aalala at kaba kay linapitan ko siya.

"Gigising din siya, wag kang masyadong mag alala Build. Gigising siya para sayo". Ngumiti ako sa kanya at nginitian niya ako pabalik. "Gusto maiwan ka muna namin dito magbantay kay Bible? Para mabigyan ka namin nang privacy na makasama siya". At tumango naman siya. "Sige, lalabas na kami ha. Tatawagan ko na din sila tita para malaman nila nangyari kay Bible". Nauna na akong lumabas at dinig kong nagpaalam na din ang mga kaibigan ni Build.

Pagkalabas ko nang room ay tinawagan ko na agad sila tita para sabihin ang nangyari kay Bible at kung ano ang kondisyon niya ngayon. Nag aalala din ako sa anong posibleng mangyari pero dapat di namin ipapakita kay Bible na mahina kami. Dapat makita niya na lalaban kami kasama niya. "Andito lang kami sayo Ble kaya lumaban ka". Sabi ko sa aking isipan.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now