*Build's POV
Papunta na ako ngayon sa campus. Maaga akong pumasok kahit na 8:00am pa start nang klase namin. Dumaan muna ako sa coffee shop katapat lang nang campus namin. At nang makapasok ako ay naghanap agad ako nang mauupuan. Ilang segundo lang tumunog ang phone ko.
-Convo sa gc
Tong: Nasa campus na kayo?
Us: On the way palang ako..
Apo: Maliligo pa lang ako
Ako: Andito na ako pero dumaan muna ako sa katapat na coffee shop.
Us: Aga naman natint ngayon aa.
Ako: Maaga kasi akong nagising kaya napag isipan ko nalang pumasok nang maaga.
Us: Hintayin mo ako diyan Bui, papunta na din ako.
Tong: Hintayin niyo na din ako sa coffee shop, paalis na ako nang condo.
Ako: Okay, noted.
Apo: Ako? Ahm? Hintayin niyo nalang ako sa room hahahaha
Tong: Kaya nga hindi kana namin tinanong kasi alam namin late kana naman papasok.
Apo: Sabi ko nga ee hehehe Sige na at maliligo pa ako. Seeya nalang sa school mwaapzzz.
Tong: Seeyyaaaaa
Us: SeeyyaaaaaaaaaaBinaba ko na ang phone ko at saktong na dumating na yung order ko at naghintay nalang ako kina Tong. Ilang minuto lang din ang lumipas ay naunang dumating si Us at sumunod naman si Tong. Nag order na din sila. Nagkuwentuhan lang kami habang hinihintay namin ang oras.
Umalis na kami sa coffee shop at pumasok na sa campus. Sakto naman din at dumating na si Apo kaya sabay-sabay na kaming apat.
Naka-akyat na kami sa 4th floor kung saan ang room namin. Tumigil muna kami pagkadating nang 4th floor dahil napagod kami sa pag akyat nang hagdan. Naglakad na kami papunta sa room namin.
"Owwww, andito na pala yung mga manloloko". Rinig ko sabi ni Apo.
"Aga-aga naglalandian na". Dugtong ni Us.
Nakita namin sa labas nang room namin sina Bible at Jeff.
Bible is my ex-boyfriend. We broke up 5 months ago at dahil yun sa Jeff na haliparot nato. Kahit limang buwan na ang lumipas ay di ko pa din maitatanggi na andun pa din yung sakit. Masakit pa din na nakikita silang magkasama. Katabi lang din kasi nang room namin ang room ni Jeff habang si Bible ay kaklase namin.Habang papasok ako nang room ay napansin ko na panay ang hawak ni Bible sa tagiliran niya at si Jeff naman ay halatang nag aalala. Nagulat ako nang tumingin si Jeff sa akin at halata sa mukha nito ang pag aalala. Umiwas naman ako nang tingin at pumasok na sa room. "Okay lang ba siya?" Tanong ko sa aking isipan.
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanficA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...