10

30 1 0
                                    

*Bible's POV

Andito kami ngayon ni Build sa kwarto ko. Nakahiga kami habang yinayakap niya ako. Ginawa niyang unan ang isa kong kamay at ang isa naman ay nakahawak sa kamay niya na nakayakap sa akin.

"I hope we can be like this forever. Pero i know di na ako-". Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Build.

"No Bibs. We can be like this forever. Mabubuhay ka pa. Gagaling ka pa. Sasamahan kita sa laban nato". Tumingala siya sa akin. "Promis me na lalaban ka ha, please promise me Bibs".

Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Alam ko naman din na hindi na ako magtatagal. Pagod na din ang katawan ko pero nang nakikita ko siya na nasa tabi ko, gusto ko pang mabuhay. Siya ang taong gusto kong hawakan, alagaan at mahalin habang buhay pero sa huli kaylangan ko pa din pakawalan. Masakit isipin na maiiwan ko siya. Ayokong nakikita siyang nasasaktan kung dadating man ang araw na hindi ko na kakayanin. I don't want him to get here because of me. Kaya ko din ginawa noon ang plano namin ni Jeff kasi ayokong mas masaktan pa si Build. Pero ngayon di ko na sasayangin ang pagkakataon na makasama siya sa mga natitira kong araw sa mundong ito. As long na magkasama kami, kakayanin namin.

Tiningnan ko siya nang ilang segundo. "I will Bui, lalaban ako. Lalabanin natin to nang magkasama". At hinalikan ko ang noo niya. Napangiti naman siya.

"By the way Bibs, napag isipan pala namin nila Jeff na magbakasyon tayo next week. Sembreak naman natin ee kaya sakto". Sabi niya. "Punta tayo sa beach para makalanghap ka din nang sariwang hangin, diba gusto natin noon magpunta sa beach".

"Sure Bui, as long na kasama kita kahit saan pa yan". Nginitian ko siya.

"Pupuntahan natin ang mga lugar na gusto mong puntahan. Gagawin nating lahat nang gusto mong gawin".

"Kahit sa ganito lang Bui, masaya na ako. Sapat na sa akin na makasama ka at mahawakan ka ulit".

"I love you Bibs".

"I love you more Bui".

Yinakap ko siya nang mahigpit at dahan-dahan na namin ipinikit ang aming mga mata.

Nagising ako na umiiyak dahil sa panaginip ko. I saw Build crying, begging. Begging me na wag ko siyang iwan. Bumigat ang dibdib ko sa panaginip na yun. Tiningnan ko si Build na mahimbing pang natutulog. Iniiscan ko ang mukha niya. "I'm scared Bui, natatakot ako sa ano man ang mangyari. Ayokong makita ka na umiiyak". Pabulong kong sabi.

Ilang minuto lang ay gumalaw na siya at unti-unting minulat ang kanyang mga mata. "Good morning love". Bungad ko sa kanya.

Ngumiti siya. "Good morning din love. Kanina ka pa gising?"

"Maybe mga 10mins".

"Bat di mo ako ginising?"

"I just wanna stare at you while you're sleeping. Gusto ko lang titigan ang magandang mong mukha kapag tulog".

Mahina niya hinampas ang braso ko. "Bolera ka talaga". Bumangon na siya at bigla ko naman siya hinila. Nakapatong na siya sa dibdib ko. "Anong ginagawa mo Ble?"

Dahan-dahan ko inilapit ang labi ko sa labi niya. Napapikit siya nang magdampi na ang aming mga labi. Hindi lang yun simpleng halik. Tumugon naman si Build sa halik ko. The kiss was passionate at habang tumatagal ay nagiging agresibo. Inihiga ko siya at ako naman ngayon ang nakapatong sa kanya. Hinalikan ko siya ulit, my hand slides to his pants at randam ko yung reaction niya. I touch his manhood still wearing his pants.

"Mhmmmm.. Ble? Fuck". Ungol niya. Napangitin naman ako sa reaction na ginagawa ni Build ngayon.

Nagulat nalang kami nang may kumatok bigla. Tinulak ako agad ni Build. "Build, Bible? Gising na kayo? Nakahanda na yung breakfast, baba nalang kayo". Sabi ni Jeff. Panira naman oh, nag eenjoy na ako sa almusal ko ee.

"Sige Jeff, bababa na kami ngayon". Sagot ni Build.

Tatayo na sana si Build pero pinigilan ko. "Let's continue kung saan tayo nahinto".

"Anong let's continue? Bababa na tayo para kumain. May iinumin ka pang gamot". At tumayo na ito.

Bumangon na din ako at natawa si Build sa mukha ko ngayon na nakasimangot. Sino ang di sisimangot? Nabitin ako ee.

Nakababa na kami ni Build, pagkababa namin ay nagulat ako nang nakita ko sila Mama at Papa. Napalingon sila sa akin at kita ko sa mga mata nila ang lubos na pag aalala.

"Ma, Pa, napa aga ata kayo nang uwi?" Tanong ko. Bigla naman akong niyakap ni mama na ngayong ay umiiyak na.

"Sobra kami nag aalala anak nung tumawag si Jeff sa amin kay napag isipan namin nang mama mo na umuwi agad". Lumapit na din si papa at hinaplos ang buhok ko.

Humiwalay si mama sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Okay ka lang ba anak? Wala na bang masakit sayo?". Tanong niya habang umiiyak.

Pinahid ko ang mga luha niya gamit ang mga daliri ko. "Ma okay na ako. Wala nang masakit sa akin. Tsaka inaalagaan ako ni Jeff at tsaka ni Build. Tinuro ko siya na nasa likuran ko ngayon.

"Good morning po, tita, tito". Bati niya.

Tinanguan siya ni papa at nginitian. Si mama naman halatang nalilito pa din kung bakit andito si Build. "Bakit andito si Build? Akala ko ba hiwalay na kayo? Tsaka si Jeff?"

"Ma ipapaliwanag ko sa inyo habang kumakain tayo. Tara na at gutom na din ako". Nauna sila mama nagpunta sa kainan. Liningon ko naman si Build at hinawakan ang kamay niya. "Let's go". Nginitian ko siya at ngumit din siya sa akin.

Habang kumakain kinuwento ko lahat kina mama at papa kung bakit kami naghiwalay ni Build noon. Sinabi ko sa kanila na okay na din kami dalawa ngayon. Kay Jeff naman gusto pa din niya tumulong sa pag aalaga sa akin bilang kaibigan. Masaya lang kaming nagkukuwentuhan at nagtatawanan. "Sana ganito pa din kayo kahit wala na ako. Sana di mawala ang mga ngiti sa mga labi niyo". Sabi ko sa aking isipan.

Huling SandaliWhere stories live. Discover now