*Build's POV
Di ko alam kong ano ang mararamdaman ko sa nangyayari. Hindi ko alam anong gagawin sa nakikita ko. Nahihirapan si Bible dahil sa sumasakit niyang tagiliran at sumusuka na siya nang dugo. Tumawag na ang iba naming kaklase nang tulong. Kinakausap ko lang siya at hindi siya sumasagot. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay sabing okay lang daw siya. Nagagawa pa niyang sabihin na okay siya sa lagay niya. Nangingiyak na ako habang tinitignan siyang nahihirapan. Dumating na din si Jeff at dali-daling lumapit kay Bible. Tumayo ako at pumalit naman sa pwesto ko kanina si Jeff. Nawalan na nang malay si Bible at maya-maya ay dumating na ang rescue. Nakaalis na sila at nanatili pa din akong tulala sa nangyari. Nabalik lang ako sa huwestiyo nang tapikin ako ni Apo.
"Bui? Okay ka lang?" Tanong niya.
"Oo, o-okay lang ako". Pero di pa din maalis sa akin ang panginginig at kaba.
"Gusto mong sumunod tayo sa hospital?" Tanong ni Tong. At tumango naman ako sa kanya. Alam nilang nag aalala ako kaya sinamahan nila ako.
Nakarating na kami sa hospital kung saan dinala si Bible. Nagtanong kami agad pagpasok sa information kung saan ang room ni Bible. Sinabi nang nurse na nasa 2nd floor, room 165. Dali-dali naman kaming sumakay nang elevator. Pagdating namin sa 2nd floor ay dali-dali ako lumabas nang elevator at hinanap ang room ni Bible. Habang naghahanap ay natanaw ko si Jeff na kausap ang isang doctor. Maya-maya pa ay umalis na ito. Papasok na sana sa room si Jeff nang tinawag ko siya.
"Jeff!" Sigaw ko. Napalingon naman siya sa gawi ko at halatang nagulat. "Kumusta si Bible? Okay na ba siya?" Sabi ko habang hinihingal. Napayuko lang si Jeff.
"Ahmmm! Pumunta lang kami dito para kumustahin si Bible. Nag aalala lang kami as classmates niya. Kung di ka komportable aalis nalang din kami". Sabi ko.
"He's not okay Build". Tumingala siya at tumingin sa akin. "Can I talk to you Build? Yung tayong dalawa lang sana".
Tinignan ko ang mga kaibigan ko at tumango sa kanila. Tumingin ako ulit kay Jeff. "Sure".
Nagpunta kami sa rooftop nang hospital dahil dito walang tao na dadaan at makakapag usap kami nang maayos ni Jeff. "Ano gusto mo pag usapan?" Inunahan ko na siya.
"About Bible". Sagot niya. "Bible was diagnosed with kidney cancer 5 months ago". Dugton niya.
"5 months ago? So may sakit na siya nung nag break na kami?" Pagtataka kong tanong.
"Oo Build. The day nang nalaman niyang may cancer siya is malala na daw ito at nasa stage 3 na. Wala siyang ibang masabihan maski sila tita hindi niya sinabihan. Mas lalong ayaw niya sabihin sayo kasi mag aalala ka lang daw. Kaya ilang araw nung nalaman niyang may sakit siya ay kinontak niya ako. Di ko din lubos akalain na ako ang una niyang sinabihan sa sakit niya. Wala daw siyang ibang malalapitan kundi ako lang".
"So? Diyan nagsimula kung bakit naging kayo? Kung bakit niya ako pinagpalit sayo?"
"Hindi Build. Hindi talaga naging kami ni Bible. At kahit kailan hindi magiging kami". Sabi niya na mas ikina gulat ko. "Lahat nang yun ay plano ni Bible. Sinabi niya sa akin na magpapanggap kami na may relasyon para hiwalayan mo siya. Mas mabuti daw na magalit ka sa kanya kaysa sa mag alala sa kalagayan niya. Ayaw niyang maiwan ka pag dumating ang araw na hindi niya na daw kayanin. Kaya nung araw na nakita mo kami sa cr ay planado yun ni Bible. Nag message sa akin that time na gawin na daw namin yung plano niya. Alam niyang susunod ka sa kanya paglalabas siya kasi gusto mong magka ayos kayo. Kaya nung andun na kami sa cr, nakita kong sumisilip ka kaya binulong ko sa kanya na andun kana. Kaya linapit niya ang mukha niya sa akin kunwari ay hinahalikan niya ako". Di pa din ako makapaniwala sa lahat nang narinig ko. "I'm so sorry Build. Ayoko naman talaga gawin yun ee pero nagmamakaawa sa akin Bible". At umiyak na siya. "Build walang araw o oras na hindi ka iniisip ni Bible. Palagi niyang inaalala lahat nang magagandang ala-ala niyo. Nung nalaman nang parents niya ay umuwi sila agad dito sa Pinas. Hinahanap ka nga nila ee pero sinabi lang ni Bible na matagal na kayong hiwalay at ako yung pinakilala niyang boyfriend niya."
"P-pero bakit mo sinasabi sa akin lahat nang to? Hindi ka ba natatakot na baka bumalik ako sa buhay ni Bible? Tapos lahat nang paghihirap mahuhulog lang sa wala".
"Dahil ayokong nakikita pa si Bible na nahihirapan at nasasaktan. Build mas kailangan ka niya ngayon. Sabi nang doctor mas lalong lumala ang sakit ni Bible. Nasa stage 4 na ang sakit niya dahil kumalat na sa katawan niya ang cancer cell. At tsaka......" Humihikbi na siya sa iyak. "Tsaka sabi nang doctor hindi na natin malalaman kung hanggang kailan nalang daw ang buhay ni Bible. Hindi na kinakaya nang katawan. Hindi ko muna sinabihan sila tita dahil alam kong busy pa sila ngayon sa business nila. Tatawagan ko lang sila mamaya".
Hindi ko na din namalayan na umiiyak na din ako. Hindi ko lubos maisip kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ni Bible, na dapat nasa tabi niya ako habang lumalaban siya.
"Alam kong ikaw ang kailangan niya Build. Sapat na sa akin na naalagaan ko siya nang ilang buwan kahit di niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi kita kayang tapatan sa puso niya kasi tanging ikaw at ikaw lang ang linalaman".
"S-salamat Jeff ha, di lang sa pagsasabi mo sa akin sa lahat kundi na din sa pag aalaga mo kay Bible. Alam ko wala na akong karapatan pa na manghimasok kasi-". Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong yinakap.
"Build, wala na sa akin yun. Masaya na ako na natulungan ko si Bible. At desisyon ko naman din yun na pumayag sa gusto niya kahit alam ko na hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Kahit na alam ko sa huli, talo pa din ako".
Hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya. "Salamat Jeff, maraming salamat".
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...