*Bible's POV
Nasa labas kami ngayon nang room kasama si Jeff. Sumasakit na naman kasi ang tagiliran ko. I was diagnosed with kidney cancer 5 months ago at sabi nang doctor ay hindi na daw ito maagapan dahil malala na ito. The doctor also said na baka di na din daw ako magtatagal sa mundong to dahil nasa stage 3 na ang sakit ko. Binibigyan lang nila ako nang gamot na iinumin ko araw-araw, minsan nga ay hindi ko iniinom kasi ano pa ba ang silbi nang gamot kung mamamatay lang din naman ako. Sinasabihan nila ako na mag stay nalang sa bahay para magpahinga pero ayoko kasi mabobored lang ako at kaya ko din ang sarili ko. Kaya kahit ngayon pumapasok pa din ako.
"Sabi ko naman sa Ble ee, magpahinga kana lang muna sa bahay". Pag aalalang sabi ni Jeff.
"Mawawala lang din to, uminom naman din ako nang pain killer ee. Mabobored lang ako sa bahay pag nag stay lang ako dun". Hinahawakan ko pa din ang tagilirin ko. Hindi naman din ito masyadong masakit, di tulad kanina.
"Napapadalas na yung pananakit nang tagiliran mo. Balik kaya tayo sa doctor mo para ma check ka".
"Wag na, ano din silbi kung mamamatay lang din naman ako. Tsaka bibigyan lang ako nang mga gamot".
Namalayan naming dumating sila Build kasama mga kaibigan niya at narinig ko ang sinabi nila Apo at Us.
"Owwww! Andito na din pala yung mga manloloko".
"Aga-aga naglalandian na".
Hindi ko nalang sila pinansin dahil sa tagiliran ko. Naka alalay naman na nakahawak sa akin si Jeff.
Lilingunin ko na sana si Build pero nakapasok na ito sa loob.
"Kung sabihin mo na kaya sa kanya ang lahat Ble". Napatingala ako sa sinabi ni Jeff.
"Hindi na kailangan, ayokong gambalain pa ang tahimik niyang buhay. Ano pa ang silbi nang pag sacrifice ko sa lahat kung sasabihin ko lang din naman sa kanya ang totoo. Makita ko lang siya na masaya, masaya na din ako".
Natapos na ang klase namin at nagsi labasan na ang iba naming mga kaklase. Tatayo na sana ako nang biglang sumakit ulit ang tagiliran ko. Sa pagkakataong ito ay sobra na ang sakit. Paupo akong natumba sa sahig hawak-hawak ang aking tagiliran.
"Oy! Bible? Okay ka lang pre". Rining kong sabi nang isa kong kaklase.
Hindi ko na sila pinansin dahil sobra na talaga ang sakit nang tagiliran ko. Akala ko hindi na ito sasakit kasi uminom ako kanina nang pain killer, bat biglang sumakit ulit. Wala na din akong extrang dala na pain killer. Nakaramdam ako na may humawak sa balikat ko. "Hoy Bible? Okay ka lang? Naririnig mo ba ako?" Narining ko ang pamilyar na boses na yun.
Napangiti nalang ako dahil sa narinig ko ulit ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko. "At least kung ito na ang last day ko sa mundong to, narinig ko ulit ang boses mo at nadama ulit ang hawak mo". Sabi ko sa aking isipan kahit namimilipit na ako sa sakit. Di ko na din namalayan na sumuka na ako nang dugo nang mas ikina alala nang lahat. Hindi ko na kaya yung sakit, para akong sinasakal nito.
"Shit Bible! Tumawag kayo nang tulong bilis". Pagsisigaw niya. "B-Bible? Saglit lang ha, tumatawag na kami nang tulong". Ramdam ko ang panginginig niya habang nakahawak sa akin.
Pinilit kong hawakan ang kamay niya gamit ang isa kong kamay habang yung isa ay nakahawak pa din sa tagiliran ko. "H-hey Bui!" Napatingin naman siya sa akin. "Don't worry too much, I'm fine". At humawak ulit ako sa tagiliran ko dahil sobrang sakit na nito.
"A-anong pinagsasabi mong fine? Fine pa ba yang lagay mo ngayon?" Nanginginig niyang sabi.
Dumating na din si Jeff at dali-daling lumapit sa akin. Di ko na alam yung sunod na nangyari dahil nawalan na ako nang malay.
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...