Ilang araw na din ang dumaan simula nung araw na iyon. Kasalukuyang pumapasok si Build ngayon sa klase nila. Si Bible ay hindi na pumasok kasi hindi niya na kaya at bigla-biglang sumasakit ang tagiliran niya. Habang tumatagal mas lumalala na ang sitwasyon ni Bible. Naaawa na siya dito kapag nakikitang nasasaktan si Bible. Pero hindi niya pinapakita kasi ayaw niyang mag alala si Bible. Araw-araw niya nalang dinadasal ang kalagayan ni Bible. Lunch break nila ngayon at nasa canteen siya kasama sina Tong, Us, Apo at Jeff.
"Build, kumusta na si Bible?" Tanong ni Tong.
"Hindi na nag iimprove yung kalagayan niya. Mas lalong lumalala na ito. Sabi nang doctor di na talaga kinakaya nang katawan niya kasi kalat na kalat na ang cancer cell sa katawan niya". Napayuko ako at di ko mapigilan na umiyak. "Takot na takot na ako. Takot ako sa ano man ang mangyari. Di pa ako ready sa lahat". Hinimas ni Jeff ang likod niya.
"Build magpakatatag ka lang para kay Bible. Mas kailangan niya ang lakas natin ngayon, lalo kana mas kailangan ka niya kaya wag kang mawalan nang pag asa Build. Wag muna natin isipin kung ano man ang mangyari, ang importante pinapakita natin sa kanya na nasa tabi niya lang tayo". Sabi ni Jeff.
"Bui, lakasan mo lang ang loob mo. Andito lang din naman kami ee. Kaya mo yan". At yinakap siya ni Apo dahil mas lalo siyang umiyak.
Natahimik lang sila nang marinig ang phone ni Build na tumunog. Tumatawag ang mama ni Bible. Since that day na pumasyal sila ay di na rin bumalik ang parents ni Bible sa ibang bansa kasi gusto nila makasama at alagaan si Bible.
"Hello tita?" Narinig niyang umiiyak sa kabilang linya ang mama ni Bible.
"B-Bui... Si Bible". Hindi niya na narinig ang mga sunod na sinabi nito dahil binaba niya na ang tawag. Nagmamadali siyang umalis at sinabihan lang sila Apo na sabihan ang prof nila na meron siyang emergency. Sumama naman sa kanya si Jeff.
Nakarating na sila sa bahay nila Bible at dumiretso na agad sila sa kwarto nito. Nadatnan nila ang parents ni Bible na kausap ang doctor nito. Nakita niyang umiiyak ang mama ni Bible habang yakap yakap nang papa nito. Si Bible naman ay nakahiga sa higaan niya. Ilang segundo lang ay lumabas na ang doctor, lumapit na din sila Bible sa parents ni Bible.
"How is he tita?" Tanong ni Build. Pinipigilan niya lang ang mga luha na kanina pa gustong tumulo.
"The doctor said na kumalat na sa utak niya ang cell cancer kaya siya inatake kanina. He also said na maghanda nalang tayo sa posibleng mangyari sa kanya. Any time o baka any minute ngayon baka tuluyan nang bumagsak katawan niya at-". Hindi niya na tinuloy ang sinabi niya at yumakap na lang ito sa asawa habang umiiyak. Lumapit na din si Jeff sa kanila at hinimas ang likod nito.
Lumapit na din si Build kay Bible at umupo sa kilid nang kama niya. Hinawakan nito ang kamay ni Bible. "Love?". Nagising naman si Bible at dahan-dahan tumingin sa kanya. "May gusto ka ba? May gusto ka bang kainin o gawin?". Tanong niya.
"L-Love? Can we go sa campus?" Nagtaka naman si Build sa sinabi niya. "Can we go where we always hang out kapag breaktime natin?" Tumango naman si Build nang napagtanto kung saan ang tinutukoy nito.
Nasa rooftop sila nang building sa campus nila ngayon. Ito ang tambayan nilang dalawa kapag wala silang klase o breaktime nila. Nakaupo sila ngayon sa sahig habang tinatanaw ang papalubog na araw. Nakapatong ang ulo ni Bible sa balikat ni Build habang mahigpit na magkahawak ang mga kamay nila. Halatang hinang-hina na ang katawan ni Bible.
"Naaalala mo pa ba love nung una kitang dinala dito?" Tumango naman si Build. "Dito ako unang nagconfess sayo". Dugtong niya. "Dito din kita tinanong kung pwede na ba kitang maging boyfriend. Dito din tayo unang nag date". Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Build. "Ang daming pangyayari na nasaksihan nang lugar nato. At ngayon sa huli kong sandali masasaksihan niya din". Kinagat ni Build ang ibaba niyang labi para pigilan ang kanyang luha. "Gusto ko pang hawakan ang kamay mo nang matagal. Gusto ko pang makita ang mga ngiti mo kapag kasama kita. Madami pa akong gustong puntahan at gawin na kasama ka. Pero hindi ko na kaya Bui. Nararamdaman ko nang hindi na kaya nang katawan ko. Gusto ko pang lumaban pero ayaw na nang katawan ko". Naubo ito at nagulat si Build.
"Love? Let's go to the hospital na".
"No need na love. It's fine. Wala naman ding silbi kung pupunta pa tayo dun. Gusto ko lang na makasama ka ngayon".
Napapikit nalang si Build sa sitwasyon nila ni Bible ngayon. Ayaw niyang nakikitang naghihirap si Bible. Parang dinudurog nang pinung-pino ang puso niya.
"Love, promise me na magiging masaya ka pag nawala na ako ha".
"Love naman sino naman ang sasaya sa sinasabi mo".
"What i mean is maging masaya ka kahit wala na ako sa tabi mo. Wag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot. Wag mo ding isara ang puso mo na magmahal nang iba. Makita ko lang na masaya ka ay okay na ako".
"Ang hirap naman niyan love. Hindi ko alam kung ma ifufulfill ko pag nangako ako sayo. Hindi madali ang sinasabi mo".
"But you can love. Dadating ka din sa point na yan. Just please don't forget to always wear your smile. Alam mo diyan ako mas nahulog sayo ee. Dahil sa mga ngiting yan". Tumingala siya at tinignan si Build. Tumingin din si Build sa kanya. "Masaya ako na nakasama kita sa huling sandali nang buhay ko. Can you please smile for me?" Pinilit ni Build na ngumiti dahil yun ang gusto ni Bible. "Wear those smiles always ha". At tumango naman si Build. "I love you so much love".
"I love you more love".
Bumalik ang tingin nila sa araw na dahan-dahang lumulubog. "Until we meet again love". Kasabay nang paglubog nang araw ay naramdaman ni Build na lumuwag ang pagkakahawak ni Bible sa kamay niya. Nang tinignan niya ito ay nakapikit na ito at hindi na humihinga. Sa pagkakataong iyon ay linabas na ni Build ang kanina pa niyang pinipigilan na luha. Hinalikan niya ang kamay ni Bible habang umiiyak.
YOU ARE READING
Huling Sandali
FanfictionA short BBB story wherein, Si Bible ay may cancer at may taning na ang buhay. Para maitago ang lahat at maiwasang masasaktan sa huli ang boyfriend niyang si Build, he cheated on him. And when the time comes, Build will know everything. Can he still...