Kabanata 02: Annaconda

77 2 0
                                    

ANNA

"Hindi ikaw 'yung Valedictorian?"

Sumabay ang boses ni Mommy at ang music nang pumasok siya sa kwarto ko. Pinatay ko ito at pilit siyang hinarap kahit parang mamatay na ako sa mga titig niya. Kumakabog nang mabilis ang puso ko.

She knows.

Lumakad siya papunta sa kama kung nasaan ako nakaupo at nakasandal sa headboard. "At hindi ka pa umabot sa ninety plus average?"

Namamawis ang mga palad ko, nakakaramdam na rin ako ng ilang. The words were inside my throat, struggling to get out. It's making me sick. I hate this.

I couldn't hide it anymore, so I just nodded.

She clicked her tongue, patunay na galit ulit siya sa akin. I caught her disappointed eyes, and the head shake she always did if we were talking.

"Ibang iba ka talaga sa ate mo," she grunted as she walked away, leaving my door open.

Nagtagal ang tingin ko sa pinaglabasan niya.

Masakit na parang pinagpipiraso ang puso ko kapag sinasama niya si Ate sa usapan.

Tinapon ko lahat ng nararamdaman, unti-unting tumango. Pilit kong binabasura ang mga reklamo ko at iniisip na tama lang iyon para matuto ako.

Kung nandito lang si Papa, hindi ganito ang mangyayari.

"Pst. Annaconda kain na," aya ni Ate Snow sa akin. Parehas kaming nakasuot ng uniform, papasok na maya-maya.

I stared at her beautiful white face. Her wavy hair, rosy cheeks and lips makes her really attractive. Her personality and brain is just her bonus. She really can do anything.

Wala namang kasalanan si Ate sa nararamdaman ko. Labas siya sa issue namin ni Mommy. But I couldn't hide the bitterness living inside me. There was a time that I really couldn't stand to be with her. Lalo na kapag kinukumpara kami ng mga kamag-anak.

"Okay," I answered in a soft voice, she almost didn't hear it.

I sat down beside her while Mommy was preparing the food.

"How's college?"

"It's okay..." sagot ni Ate Snow habang nilalagay na ang mga notebook at laptop sa bag niya.

"Huwag kang magpapagod, nako! Ang sipag sipag mo pa naman," she said to her, wearing her proud smile.

Most of the time, sila Mommy at Ate lang ang nag-uusap. Pero minsan sinasama nila ako, lalo na si Ate na pilit akong pinagsasalita.

"Nabasa mo na ba yung book na bigay ko, Annaconda?"

She's always calling me that. Anna Condañez is my full name.

"Uh...anong book ba 'yon?" tanong ko saka sinubo ang pagkain.

Kapag pinipilit ako ni Mommy na kumuha sa bookshelves ni Ate or kapag binibigyan ako ni Ate, hindi ko naman binabasa.

Nakadisplay lang siya sa table ko. Tinitignan ko palang 'yung mga words, napapagod na ako agad.

Mas gusto ko ang korean drama. 'Yung may acting talaga. Mas okay sa akin na subtitles ang basahin dahil hindi nawawala ang focus ko roon.

"Lahat ng bigay ko."

My body froze, our eyes locked. Pilit kong inaalala kung nag-skim ba ako sa mga libro niya.

"Uh...Oo! 'yung ano..."

Their eyes locked at me, both looking curious.

"The girl…who…wears make-up?" walang kasiguraduhan kong sagot.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon