Kabanata 04: Perfect

39 1 0
                                    

ANNA

Dapat ay recess time ko ibibigay ang shirt ni Kaiden, pero dahil sa pag-aaral ako sa test sa english, hindi ko na naalala. Wala namang kumakausap sa akin sa mga oras na 'yon kaya wala akong choice kung hindi mag-aral.

Minsan din ay napapansin ko si Kaiden na patingin-tingin sa akin at akmang lalapitan ako pero sa bawat hakbang niya, umiiba siya ng pwesto at sa iba pumupunta.

I remembered Chloe on my seatmate. She is Mira. But, we're not close enough to just laugh about anything. I didn't know if I could make friends here in my new school. Nakakailang.

Pinagtabi kami ni Mira kaya minsan nag-uusap kami.

"Hi, Anna?"

I forced a smile. "Hey."

"Sana maging masaya ka dito."

Lalo akong ngumiti sa sinabi niya. Then, hindi na ulit kami nakapag-usap. Or maybe, I'm just scared to have friends again.

To trust again.

Nanginginig ang kamay ko habang iwinawasto ang papel. Hawak ni Mira ang papel ko at akin naman ang kaniya, pero sobrang busy ng isip ko kung saan.

Na sana perfect ako. Sana walang mali.

Namilog ang mata ko sa markang nakalagay sa papel.

Mommy will be happy again.

"Galing mo naman." Tumawa si Mira.

Sa hindi inaasahan, dalawa kaming naka-perfect. Si Kaiden ang isa, na sa tingin ko ay ayos lang basta nakaperfect rin ako. Matalino rin pala ang lalaking 'yon.

Halos maalis na sa pwesto 'yung puso ko kaya nagmamadali ko nang niligpit ang mga gamit. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko at sa pagkakaalam ko, ito yata ang una kong ngiti simula nang mapunta ako dito.

Nag-umpisa na akong humakbang paalis ng room nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Hoy! Anna!"

Lumingon ako at nakita si Kaiden na papapunta sa akin, kasama ang dalawang niyang kaibigan.

Nagtaas ako ng kilay, naglaho na ang ngiti.

"Cleaners ka," he said. Hindi nakatakas sa mata ko ang mapaglaro niyang ngiti. Dahil good mood naman ako, ngumiti nalang ako kagaya niya.

"Sorry," hingi ko ng tawad at bumalik sa pwesto ko kanina. His eyes widened on what I said. I didn't know why so I proceeded on cleaning.

Nanatiling nakatingin si Kaiden sa akin habang nakabukas ang bibig at nanlalaki ang mga mata. Agad siyang tinulak ng dalawa kaya nawala na sila sa paningin ko.

Nang matapos ay dumiretso agad ako sa science department, kung nasaan si Ate. Tumatalon-talon pa ang puso ko dahil sa saya. Halos mapunit na siguro ang mukha ko dahil sa ngiti.

Ilang hakbang pa ang kailangan kong gawin bago makapunta sa pupuntahan. Kaya lang, nakita ko si Kaiden na kakalabas lang mula sa pintuan ng department na 'yon.

Magkasalubong ang kilay niya at mukhang gulat. Sinalubong niya ang anim na lalaking naghihintay sa kaniya. Habang pinagmamasdan ko silang nag-uusap-usap, naalala ko ang t-shirt sa bag.

Kinuha ko ito habang naglalakad. Maybe I was too happy and I want to share my happiness, so I hugged him.

"Thank you."

Malambot ang katawan ni Kaiden, parang teddy bear. Mas matangkad siya kumpara sa akin kaya hanggang balikat lang niya ang ulo ko habang nakayakap.

Ipinasa ko sa kaniya ang shirt, pero hindi siya gumagalaw.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon