Kabanata 07: Dreams

30 1 0
                                    

ANNA

"Pst."

Sumilip ako kay Kaiden na nakatingin sa akin. Kanina pa siya tawag nang tawag kahit nag-uumpisa na kaming mag-aral. Mas magaling sa science si Kaiden kaya mas maganda kung siya ang masusunod doon.

Siguro ako nalang sa math, dahil master ko na ang iba sa topic namin.

"What?"

Huminga siya nang malalim, naboboring na siguro. "Ang tahimik..."

Nag-isang linya ang kilay ko. "Anong gusto mo? maingay?"

He shook his head. "Magkwentuhan naman tayo, paano tayo magiging friends niyan?"

I dropped my pen. "Alam mo Kai, kusa mo naman nagiging kaibigan ang isang tao," sagot ko. "Hindi dapat pilitin."

Pero nagtaka ako nang bigla siyang ngumiti.

"Ba't ka nakangiti?"

Nilakihan naman niya ngayon na parang hindi na niya napigilan. "Tinawag mo kong Kai," sagot niya. "Alam mo bang mga close friends and family ko lang tumatawag sa akin no'n."

Lumunok ako. "Edi hindi na," sabi ko sabay tuloy ng ginagawa.

"Huy! Tawagin mo lang akong Kai." Agad niyang kinuha ang ballpen ko. "Ha? Kai nalang?"

I rolled my eyes and grabbed my pen. "Okay, Kai."

Humarap siya sa teddy bear na nasa harap namin. "Narinig mo 'yon, Toto?"

Tama ba ang nakikita ko? Kinakausap niya 'yung bear? Iba na yata ang takbo ng utak nito.

"Toto?" Pinigilan ko ang pagtawa. "May pangalan 'yung teddy bear?"

"Syempre! Toto ang pangalan niya," sagot ni Kaiden. "Short for katoto."

Pamilyar sa akin ang salitang binanggit niya.
"Katoto? Kaibigan?"

He smiled as he nodded. Mukhang gustong-gusto talaga ni Kaiden ang bear na bigay ko dahil hindi matigil ang tingin niya dito.

"Dito ka muna!"

Parehas kaming lumingon ni Kaiden kung saan nanggagaling ang boses ni Ate. Pumasok si Ate kasama si Kuya Martin, ang boyfriend niya mula college hanggang ngayon.

"Anna? Kaiden?"

"Hi, Annaconda," bati ni Kuya Martin.

Ngumiti ako. "Hi, Kuya."

"Nag-aaral kayo?" tanong ni Ate.

"Yes," sagot ko.

Tumingin si Ate kay Kaiden at ngumiti. Nalipat ang tingin ko kay Kaiden. Inaasahan kong hanggang tainga ang ngiti niya. Kaya lang, halos hindi ko siya makilala sa seryoso niyang mukha.

"Sige, goodluck."

"Goodluck! Anna! Cute mo talaga!" Pinalo ko ang kamay ni Kuya Martin nang bigla niyang pisilin ang pisngi ko.

"Doon ka na nga!" Pinalo ko ang braso niya at tinulak paalis para masundan niya na si Ate sa sala.

"'Yun ba 'yung boyfriend ni Ms. Snow?" nakasimangot niyang tanong nang makaalis na si Kuya.

"Oo," sagot ko. "Bakit ka nakasimangot?"

"Halata ba? Nagseselos ako..."

"Ano?"

He suddenly pressed his lips. "Wala kang narinig," sambit niya saka tinuon ang atensyon sa pagsusulat.

Pilit kong sinusulyapan ang mukha niya."May gusto ka ba sa Ate ko?"

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon