Kabanata 01: Kai

148 4 0
                                    

KAIDEN

"Sumunod ka sa'kin."

Parang aso akong sumusunod sa teacher ko pagtapos niyang mabuwisit sa akin kanina. Hindi ko kasi masara ang bibig ko. Daldal daw ako nang daldal. Kung may noisy lang ngayong hayskul, baka nasa blackboard agad yung pangalan ko.

Ganoon naman ako noong elementary. Napangiti ako sa mga alaala. Kakatawa talaga kasi yung kaklase ko! Bakit ako lang yung dadalhin sa guidance?!

Pinandidilatan ko ng mga magaganda kong mata ang mga kapwa estudyante sa magkabilang gilid kapag tinitignan nila ako.

"Galit ka ba, Ma'am?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede ba Kaiden? Ngayon lang please, itikom mo 'yang bibig mo." Iling niya.

Galit talaga ang teacher ko.

Once in a lifetime lang naman, or once in a school year, once in a month? A week? Anong gagawin ko? Pakiramdam ko mamatay ako kapag hindi ko nasabi yung mga sasabihin ko sa kaklase ko.

Kinuyom ko ang kamao. Ngayon lang ako makakapunta sa guidance sa buong year ko dito.

Binuksan niya ang pintuan at una akong pinapasok. Dumikit agad ang malamig na simoy ng aircon sa balat ko. Pina-upo niya ako sa may sofa habang naglalakad siya papunta sa isang teacher.

May kalakihan naman ang Guidance Office, tingin ko ay pwede ko nang maging banyo ang laki. Kulay puti ang dingding, tiles ang sahig, at may mga dekorasyon.

Dalawa ang sofa. Isang mahaba sa gilid at pang-isahan sa tabi ng pinto. Sa pang-isahan ko piniling umupo.

Para talaga akong asong naka-upo dito na kumain ng poop kaya napagalitan ng amo. Nakayuko at nakadikit ang dalawang binti. Langya. Huwag naman sanang ipatawag ang magulang ko.

Hindi ko alam kung kaya nilang magbigay ng oras para dito.

Muntik na akong mapatalon nang bumukas ang pintuan.

May isang lalaking estudyante ang nagbukas at pumasok. May sumunod sa kaniyang lalaking teacher.

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at may pasa siya sa mukha. Isa sa gilid ng bibig at isa malapit sa mata. Hindi nakabutones ang uniform pero may sando siyang suot sa loob. May hawak siyang tissue kaya lang puro pula, sa tingin ko ay dugo. Umupo siya sa mahabang sofa.

Sandali pa kaming nag-antay nang muntik ulit akong napatalon. Bumukas ang pintuan at naramdaman ko ang init na hangin galing sa labas. May pumasok ulit na lalaking estudyante.

Nakayuko siya habang mabilis na naglakad papunta sa mahabang sofa. Umupo ito sa tabi ng lalaking may pasa. Kitang-kita sa mukha niya na ayaw niya sa kwartong 'to.

Good boy siguro 'to.

Sumunod naman sa kaniya ang dalawang kambal at isang babaeng teacher. Kilala ko sila dahil sila ang sikat na kambal sa buong school. Kitang-kita na may lahi silang Japanese. 'Yung isa sa kambal nakataas ang gilid ng labi, 'yung isa naman tahimik at pabirong sinuntok ang kambal niya para sumeryoso.

Bigla na naman ulit akong napatalon sa gulat. Bakit ba naman kasi dito ako naka-upo? Tumingin 'yung apat sa akin kaya tumingin rin ako pabalik sa kanila at ilang na ngumiti.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon