Kabanata 05: Fair

42 1 0
                                    

KAIDEN

Lumingon siya at napatayo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya at inikot ang tingin. "Gabi na huy! Sobrang delikado ng mga tao, Anna!" sigaw ko nang hindi namamalayan.

Dahil sa naging reaksyon ko, namilog ang mata niya at napa-atras.

"Mas nakakatakot pa nga 'yon kaysa sa mga multo!"

Hindi ko alam kung bakit ako sumisigaw sa kaniya. Pero hinayaan ko nalang din dahil nag-aalala talaga ako. Napakurap-kurap ang malaking mata ni Anna habang nakatingin sa akin.

"Talaga? Multo oh!" May tinuro siya sa likod ko.

Mabilis akong lumingon, kasabay noon ay pagtibok ng puso ko nang mabilis sa pag-aakalang may multo sa likod ko.

Nawalan ako ng dugo nang marinig ang tawa ni Anna.

"Kakatawa 'yon?" baling ko sa kaniya sa seryosong tono. Patuloy lang siyang tumatawa.

Tinatakpan niya ng palad ang bunganga kapag tumatawa siya pero hindi pa rin niya mapigilan. Hinintay ko pang matapos siya.

"Ano? happy?"

"Okay, I'm sorry," saad niya at pinunasan ang mga matang may luha.

Nilagay ko ang kamay sa dalawang bulsa. "Bakit ka nga mag-isa rito? Ang dilim-dilim, oh."

Bumalik na siya sa seryosong Anna. "Ayokong umuwi."

"Bakit? Kanina sobrang saya mo pa."

Ngumiti siya, pero hindi iyon umabot sa mata. "Yeah—"

"Niyakap mo pa nga ako," inis ko habang nakangisi.

Nag-isang linya ang kilay niya. "Because I was happy!" sagot niya at umirap.

Umirap rin ako. "Sige! Tara na nga! Uuwi na kita. Saan bahay niyo?"

"Bakit?"

"Gagi. Gabi na kaya, Anna Condañez." Kinuha ko ang braso niya at nag-umpisang maglakad.

"Ayoko pa nga." Pilit niyang kinukuha ang braso.

"Gabi na nga."

"Bahala ka." Tuluyan na niyang nakuha ang braso at padabog na umupo ulit sa bench.

"Ano? Tutunganga ka lang dito?"

"Mas maganda nga 'yon."

Mukhang ayaw niya talagang umalis kaya tumingin nalang ako sa paligid.

Pwede ko palang maging pagkakataon ito para maging kaibigan si Anna. Para kay Ms. Snow. Kung hindi lang talaga sa favor, paplastikin ko talaga 'tong si Anna. Medyo may inis pa ako sa babaeng 'to pero sa tingin ko, may bait pa rin 'to sa puso gaya ng kapatid niya.

"Gusto mo doon?" Tinuro ko ang perya malapit dito.

Tumingin siya sa tinuro ko. May malaking ferris wheel na makikita mula rito at makukulay ang mga ilaw. Napatayo siya agad at sunod sunod na tumango. "Yes! Tara!"

"Punta ka na," nagbigay pa ako ng daan para maka-alis siya.

"Hindi mo 'ko sasamahan?" Mukha siyang ligaw na tuta dahil sa tingin na pinapakita niya sa akin.

"Hindi," seryoso kong sabi at nag-umpisang maglakad pabalik.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko naman pwedeng iwan si Anna mag-isa dito kaya bumalik ulit ako sa tapat niya.

Ngumiti siya. "Tara na!"

Iniwan niya ako at tumawid na ng kalsada. Aabutin ko pa sana ang buhok niya para hilahin kaya lang masyado siyang mabilis tumawid.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon