Kabanata 16: Harsh words

27 0 0
                                    

KAIDEN

"Pumunta ka pa dito para isauli yung ballpen?"

"Oo," confident kong sagot.

Umiling siya. "Ang kulit mo talaga 'no?"

Ngumisi ako. "Pogi rin," sagot ko sabay daan sa gilid niya.

Alam ko na nagulat siya sa biglaan kong ginawa, pero okay lang 'yon. Gusto ko dito.

"Kaiden!"

Patuloy lang ako sa paglalakad habang tinatawag ako ni Anna. Pinapaikot ko rin ang ballpen sa kamay.

"Umuwi ka na." Bigla niyang hinila ang braso ko na nagpagulat sa akin. "Nabasa mo naman siguro ang chats natin kagabi, hindi ba?" sarkastiko niyang tanong habang hinihila pa rin ako papunta sa gate nila.

"Marunong kang magbasa, hindi ba?"

Nagtataka akong napatingin sa kaniya. "Marunong akong magbasa, pero hindi ko inintindi," saad ko at pinaamo ang tingin sa kaniya.

Masama niya akong tinitigan kaya bumuntonghininga nalang ako. "Gusto ko dito..." bulong ko.

"Ayaw," seryoso niyang tanggi at umiling.

"Sige na..."

"Wala ka bang kaibigan?"

"Meron. Marami," sagot ko.

"Iyon naman pala? E 'di doon ka tumambay."

"May kaniya kaniya rin naman silang ganap sa buhay..." Tumitig ako sa kaniya. "At saka kaibigan rin naman kita ah...maliban nalang…" Unti-unti akong ngumisi.

"Ano? Maliban nalang kung ano? Tuloy mo, kumakati kamao ko."

Malaki na ang ngisi ko. "Iba na tingin mo sa akin..."

"Oo, alien na tingin ko sa'yo," sagot niya pero natawa lang ako.

"Ahh...parang mga crush mo? E 'di crush mo ako?"

Unti-unting namilog ang bibig niya sabay hila sa akin papunta sa gate. Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng buong mukha niya. Hay, Anna…

"Please...kahit ngayon lang," ngumuso pa ako.

"Please mo mukha mo." Nilahad niya ang kamay. "Ballpen."

Mukhang ayaw talaga niya. Para bang virus ako kaya ayaw niyang pumasok ako sa loob. Binigay ko nalang ang ballpen pero nanatili pa rin akong nakatayo sa harap niya.

"Alis."

Kasama nila Mama at Daddy si Mang Tomas. Si Yaya naman ay umuwi sa probinsiya kaya ako lahat ang gumawa ng gawaing bahay. At saka, mag-isa din ako sa bahay kaya mas pipiliin ko nalang dito. Kaso si Anna ang KJ.

Akma na sana akong aalis.

"Ouch!"

Humawak ako nang madiin sa tyan ko. "Ang sakit ng tyan ko!"

Nagtatakang napatingin muna si Anna sa pag-arte ko. Umupo ako sabay ungot. "Ouch, tyan ko..."

"Huy, anong nagyayari?"

"Bingi ka ba?" tanong ko sa mahinang boses sabay ungot ulit. "Ouch..."

Doon na napahawak si Anna sa braso ko. "Ano bang kinain mo? Bwisit naman Kaiden."

Hindi ako nagsalita, pinikit ko ang mata at namumulupot pa rin sa sakit.

"Kinakabahan na ko! Hoy!" sigaw niya.

Binuksan ko ang isang mata para tignan ang reaksyon ni Anna. Nag-aala na talaga siya. "Bahay...niyo..."

Napahinto siya, kalaunan ay tumango. "Tara na nga..." inalalayan niya ako patayo saka dahan-dahang lumakad.

Crossing Roads Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon